PDEA SOLO TASK | PNP Chief dela Rosa, ipinag-utos na buwagin ang mga drug enforcement unit ng PNP

2 months ago

MANILA, Philippines – Bubuwagin na ang mga drug enforcement unit ng Philippine National Police (PNP).  Kasunod ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na solo nang mangunguna ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagsasagawa ng anti-drug campaign ng administrasyon.

Ayon sa memo ng pangulo, pinagbabawalan na ang PNP, NBI, AFP at iba pang law enforcement agencies na magsagawa ng mga drug operations.

Dahil dito, tututukan na lang ng PNP ang pagsugpo ng mga krimen, terorismo, internal security at internal cleansing ng institusyon.

“All drug enforcement units (DEUs) from PROs down to police stations are hereby dissolved. You may convert the DEUs to Detectives/Police Intel operatives responsible for detection, prevention and solution of street crimes,” sabi ni Chief Camilo Pancratius Cascolan ng PNP Directorate for Operations.

Ilan umano sa mga talamak na street crimes na kailangan pigilan ay ang mga riding in tandem/ motorcycle riding suspect at shooting incidents.

“As directed by the PNP Chief Ronald dela Rosa, everyone shall focus on the significant decrease, if not stopped, of this street crime, this shall henceforth be the focus of evaluation,” sabi ni Cascolan.

bato-1

Ayon kay PNP PIO Chief PSupt. Dionardo Carlos, bilang pagsunod sa kautusan ng pangulo, tanging pagbibigay na lamang ng impormasyon hinggil sa iligal na droga ang gagawin ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG).

Puna naman ni Senador Risa Hontiveros, hindi na raw bago kung PDEA ang ekslusibong gagawa ng mga anti-drug operations.

“However, unless the government’s current anti-drug strategy is radically overhauled and the country’s security forces are thoroughly cleansed of scalawags, whether it is the PDEA or PNP, the anti-drug campaign will continue to be bloody, abusive and prone to corruption,” sabi ni Hontiveros.

risa-1

Hindi lang daw mga tagapagpatupad ng batas ang may problema.  Mas malaking problema raw ang polisiya.  Dapat daw ay itigil na ang Oplan Tokhang.

“Instead of a mere changing of the guard in the government’s anti-drug campaign, what is needed is for Oplan Tokhang to be stopped and scrapped,” sabi ng senadora.