‘PHILIPPINE PROVINCE OF CHINA’ | Duterte: Kung gusto niyo, gawin niyo nalang kaming province

1 year ago

FEBRURAY 19, 2108 – Sa harap ng Filipino-Chinese community, iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

“Itong claim sa China Sea, talagang atin yan insofar as the Republic of the Philippines is concerned.  I am ready to put my presidency, my career as president, my life and honor, akin ‘yan, I’ve stated it in black and blue. It has been the claim of the Republic of the Philippines na atin ‘yan which we call now the West Philippine Sea,” sabi ni Duterte sa 10th Biennial National Convention at 20th founding anniversary celebration ng Chinese Filipino Business Club, Inc. sa Manila Hotel.

Tanging magagawa raw ng gobyerno ngayon ay ipagpatuloy ang diplomatikong pamamaraan sa pakikipag-usap sa China.

“In front of the ambassador, I tell you, we will insist but what would be the components of our demands and our insistence? We can only be diplomatic. We can only be talking in friendly and civilized terms,” sabi ng pangulo.

Bumuwelta si Duterte sa mga bumabatikos sa kanya sa aksyong ito ng gobyerno.  Kinuwestiyon niya kung ano ba ang ginawa noong panahon ng nakaraang administrasyon habang ipinaglalaban ang ating karapatan sa WPS.

“The critics say that I am not doing enough. What were they doing during their time? Why did they not start to build things there, structures that China is doing now. So even in the claim itself and in the development of the claim, wala tayong ginawa,” sabi ni Duterte.

pres-duterte_feb19_china1

Giit pa niya, ang mga base militar na itinayo doon ng China ay hindi para gamitin laban sa mga Pilipino, kung hindi para sa Amerika.

“It’s not intended for us. The contending ideological powers of the world to the geopolitics has greatly changed. It’s really intended against those who the Chinese think would destroy them and that is America.  Wala [hindi] tayo kasali diyan,” sabi ni  Duterte.

“Then why would I go there bring my Navy, my soldiers, my police and everything only to be slaughtered.  I will not commit the lives of the Filipinos only to die unnecessarily.  I will not go in to a battle which I can never win,” dagdag pa niya.

Nilinaw din ng Pangulo na ang karapatan ng bansa sa Philippine Rise.

“I will insist on the Philippine Rise because that is ours. We allowed expeditions, undersea expeditions. Americans made the most of it, China, twice… Many other countries made underwater expeditions.”

Sinabi rin ng pangulo na nagtitiwala siya sa sinabi ni Chinese President Xi Jinping na hindi magre-reclaim ng mga isla o magtatayo ng anuman sa Scarborough Shoal.

“Sabi nila they will not build anything in Scarborough Shoal. Si Xi Jinping mismo nagsabi and he’s a man of honor,” sabi ni Duterte.

Pero nagbiro rin ang pangulo na gawin na lang probinsya ng China ang Pilipinas.

“Kung gusto niyo, gawin niyo nalang kaming province, Philippine province of China, eh ‘di wala ng problema. Libre na lahat. Kasi ‘yung oil… Eh joint exploration naman. Yung 2/3 ng oil sa amin, 1/3 sa inyo. Mayaman naman kayo saka province naman kami, Province of the Philippines, Republic of China,” sabi ni Duterte.

“Hayaan mo na lang ‘yang Taipei, let it float there. Makuha mo ang Philippines, wala nang problema kasi maraming pera eh. Kung babae pa itong China, niligawan ko na. Daming kwarta eh,” dagdag pa niya.