PINA-DEPORT | Opisyal ng EU Socialist Party na kritiko ni Pres. Duterte, hindi pinapasok ng Pilipinas

8 months ago

CEBU, Philippines (April 16, 2018) – Hindi pinapasok at pina-deport ng Bureau of Immigration ang isang Socialist Party official ng European Union na kritiko ni President Rodrigo Duterte at ng kanyang war on drigs.

Ayon sa grupong Akbayan, dadalo sana sa kanilang dalawang araw na party congress si Party of European Socialists Deputy Secretary-General Giacomo Filibeck; pero hinarang siya sa Mactan-Cebu International Airport dahil umano sa illegal political activity.

Lumabalas na may blacklist order laban kay Filibeck kaya siya inipit sa immigration counter ng airport.

Samantala, nasa 20 pang foreign delegates ng two-day congress ang kasama ni Filibeck na pinayagang makapasok ng Pilipinas.

Agad namang kinondena ng Akbayan ang insidente lalo’t sister party nila ang PES.

“Akbayan condemns, in the strongest terms, the detention and deportation of European human rights leader Giacomo Filibeck,” sabi ng grupo sa isang pahayag.

“This unfortunate incident only shows how paranoid this government is in keeping the rest of the world blind from the damage President Duterte has done to our country.”

Naglabas din ng mensahe ng pagkondena ang PES sa sinapit ng kanilang opisyal na tinawag nilang “unjustified detention and deportation.”

Ayon pa kay PES President Sergei Stanishev, tila trinatong parang kriminal ang kanilang kasama.

“Clearly, [President Duterte] intends to silence criticism of his deadly policies both at home and abroad,” sabi ni Stanishev.

Agad namang dumipensa si Justice Secretary Menardo Guevarra sa nangyari at ipinagtanggol ang naging hakbang ng immigration personnel laban kay Filibeck.

“It is unlawful for aliens staying in our country to engage in partisan political activities, and the government has the right to refuse entry to those who have committed these illegal acts in the past,” sabi ni Guevarra sa isang text message.

Maghahain naman ng resolusyon sa Kamara si Akbayan Representative Tom Villarin para silipin ang insidente.

Babala pa niya, tila nagiging krimen na ang maging kritikal sa gobyerno.

“The ridiculous charge of illegal political activities is Duterte’s way of saying he wants to criminalize criticisms,” sabi ni Villarin.

Hindi ito ang unang beses na pumunta ng Pilipinas si Filibeck.

Noong October 2017, nasa bansa siya bilang bahagi ng isang international human rights fact-finding mission na kumondena sa mga patayan sa ilalim ng war on drugs ng administrasyon.