PROXY NG PANGULO | DFA Secretary Cayetano, pinadalo sa ASEAN-UN Summit kapalit ni Pres. Duterte

1 week ago

Hindi na nagawang dumalo ni President Rodrigo Duterte sa ASEAN-UN Summit kagabi. Sa halip ay si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na lang ang kumatawan para sa Pangulo.

cayetano-sa-japan-un-summit

VIA RTVM | Sec. Cayetano bilang kapalit ni Pres. Duterte sa ASEAN-UN Summit kagabi.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, masyadong siksik ang schedule ng Pangulo kagabi dahil sa sunod-sunod na bilateral meetings.

“As we all know from yesterday’s activities, President Duterte had a full schedule last night which included bilateral meetings with Japan, Republic of Korea, India, and Russia,” sabi ni Roque sa ipinadala niyang statement sa media.

duterte-sa-asean-japan-summit

VIA RTVM | Pres. Duterte habang nasa ASEAN-Japan Summit kagabi.

“The President’s meetings went beyond schedule and, to avoid further delay, it was decided that Secretary Cayetano would attend the ASEAN-UN Summit on behalf of PRRD while the Chief Executive was conducting meetings with other leaders.”

Ngayong linggong ito, inaasahang magiging abala ang nasa 20 world leaders sa kabi-kabilang pulong na nakapaloob sa 31st ASEAN Summit and Related Summits. Kabilang rito si United Nations Secretary-General Antonio Guterrez.

Kritiko ng Administrasyon

Isa ang United Nations sa mga international organization na madalas pumuna sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Katunayan, matagal nang isinusulong ni UN Special Rapporteur for Extrajudicial Killings Agnes Callamard ang pag-iimbestiga sa kampanyang ito ng ating gobyerno.

Maging ang UN Human Rights Council ay naglabas na ng rekomendasyon sa Pilipinas para resolbahin ang mga sinasabing paglabag ng estado sa karapatang-pantao.

Bagay na ilang beses nang tinabla at kinondena ng Palasyo at ng ating Pangulo.