PUSO! | Gilas Pilipinas, panalo kontra Iraq

1 week ago

BEIRUT, Lebanon – Pasok na sa quarterfinals ng FIBA Asia Cup ang Gilas Pilipinas matapos manalo kontra Iraq sa iskor na 84-68.

gilas

Nakaunang pumuntos ang koponan ng Iraq sa pag-uumpisa ng first quarter.  Pero agad namang nakatira ng sunod-sunod na puntos si Matthew Wright upang dumikit ang laban sa iskor na 17-19, pabor sa Iraq.

Sa third quarter, umarangkada ang Gilas.  Tuluyang naungusan ng Pilipinas ang Iraq sa pangunguna ni Christian Standhardinger.  Halos anim na minutong napako sa 35 points ang iskor ng Iraq. Walong sunod-sunod na puntos ang iniskor ni Standhardinger para makalamang ang Gilas ng 42-35 sa pagtatapos ng third quarter.

Pagdating ng fourth quarter, nagtala ang Gilas ng pinakamalaki nitong lamang sa Iraq na 22 points.

Sa Linggo, August 13 ng alas-nuebe ng gabi ang susunod na laban ng Gilas kontra Qatar.

sports-5

(Courtesy: Sports5)

© 2017 TV5 NETWORK INC. ALL RIGHTS RESERVED.