QUAKE ALERT | Magnitude 6.3 na yumanig sa Batangas, naramdaman hanggang sa Metro Manila

2 months ago

MANILA, Philippines – Nakaramdam ng ilang segundong pagyanig ang iba’t ibang parte ng Metro Manila kanina, Biyernes ng hapon.

20708387_977037922452962_3127977795665706616_n

Ayon sa Philippines Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS), ang  magnitude 6.3 na lindol ay sumentro sa Nasugbu, Batangas ngayong 1:28pm. Asahan na rin daw  ang ilan pang aftershocks matapos ang nasabing pagyanig.

Ilan sa mga netizen naman ang nagsabing naramdaman nila ang lindol sa Quezon City, Marikina, Pasig, Taguig, at Las Piñas.

quake-1

Samantala, nagsuspinde naman ng klase ang ilang eskuwelahan ngayong araw, August 11, matapos ang nasabing magnitude 6.3 na lindol. Ang mga eskwelahan ay ang sumusunod:

  • De La Salle University – Taft
  • Far Eastern University – Manila and Makati
  • Philippine Women’s University – Manila
  • Lyceum of the Philippines University – Batangas
  • FEATI University
  • Manila Tytana Colleges
  • Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

© 2017 TV5 NETWORK INC. ALL RIGHTS RESERVED.