UMAALMA | Paghihigpit sa pagtanggap ng tulong mula sa EU, kinontra ni Sen. Trillanes

2 months ago

MANILA, Philippines – Binatikos ni Sen. Antonio Trillanes IV ang desisyon ng Malacañang na higpitan ang pagtanggap ng grant o tulong pinansyal mula sa European Union.

antonio-trillanes-iv-051917

Sa isang statement, sinabi ng Senador na “reckless” at “whimsical” ang desisyon ng Pangulo. Sa halip na maging arogante, dapat daw magpasalamat si Duterte sa ibinibigay na tulong ng ibang bansa.

Matatandaan na nilinaw ng Malacañang na sasalain lang at hindi naman tuluyang tatanggihan ng Pilipinas ang lahat ng tulong ng European Union.

Paliwanag pa ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, sakop nito ang financial aids na may probisyon o kondisyong magbibigay sa isang foreign body na makialam sa internal affairs ng bansa. Hindi na raw saklaw ng utos ang humanitarian aid.

 

© 2017 TV5 NETWORK INC. ALL RIGHTS RESERVED.