RESIGNED | Ice Seguerra, nagbitiw na bilang National Youth Commission Chairperson

8 months ago

MANILA, Philippines (March 13, 2018) – Matapos ang isa’t kalahating taon sa serbisyo, nagbitiw na sa puwesto si National Youth Commission (NYC) Chairperson Ice Seguerra.

Sa isang statement, sinabi ni Seguerra na personal siyang nakipag-usap kay Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa kanyang desisyon.

“I met with our dear President last March 5th to tender my resignation as NYC Chairperson. I coordinated with his office because I wanted to personally tell him my reason.”

Naging positibo naman daw ang reaksyon ng Pangulo tungkol dito.

“He was very understanding and supportive of my decision. Para siyang tatay. Nakinig, inintindi at pinalakas ang loob ko. I told him how much I valued his trust and how this experience made me appreciate public service and our public servants. ”

Hindi binanggit ng singer at aktor ang dahilan ng kanyang pagre-resign. Magiging epektibo ito sa April 5.

Sa press briefing naman ni Pres. Spokesperson Harry Roque, sinabi niyang natanggap na ng Palasyo ang resignation ni Seguerra. Pero wala pang nabanggit ang Palasyo kung may napipisil na silang papalit sa kanya.

August 2016 itinalaga bilang NYC Chairperson si Seguerra kasabay ng pagkakatalaga rin sa kanyang asawang si Liza Diño bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Pinasalamatan naman ni Seguerra ang lahat ng kanyang mga nakatrabaho.

“Sa mga kasamahan ko sa komisyon, sa OCS, at sa lahat ng mga ahensiyang nakatrabaho ko for the past year and half. Thank you for believing in me and for making my chairmanship, as short as it may have been, one of the most unforgettable experiences of my life.”

Nag-iwan din siya ng mensahe para sa kabataan.

“Sa kabataang Pilipino, napakarami kong natutunan sa inyo. Kayo ang puso ng lipunan and you must be heard. In this very divisive society, I hope you will lead the country in finding commonalities that will bring us all together. Be kind, always.”