SAPAT PA NAMAN | NFA, inamin na mababa ang bilang ng nakaimbak na bigas pero sasapat naman daw sa oras ng pangangailangan

1 week ago

MANILA, Philippines – Inamin ng National Food Authority (NFA) mababa ngayon ang kanilang nakaimbak na bigas pero tiniyak naman nila na sasapat ito sa pamamahagi sa mga nangangailangan sa oras ng kalamidad.

olarte-and-nfa

“It’s true NFA stocks are low right now not just because of the recent typhoons… NFA also released about 140,000 bags of rice for the Marawi victims,” ayon kay NFA Spokesperson Becky Olarte.

Dagdag pa ni Olarte, mula Enero hanggang Disyembre 2017, mahigit 635,000 ang kanilang naipamahaging rice bags sa mga biktima ng mga nagdaang sakuna at sa mga naapektuhan ng gulo sa Marawi.

Giit pa ni Olarte, nakatakda silang mag-import ng 250,000 metrikong tonelada ng bigas para muling madagdagan ang mga nakaimbak na bigas.

Isa rin sa binabantayan ngayon ng ahensiya ay ang mga maaapektuhan ng sunud-sunod na phreatic eruption ng Bulkang Mayon. Nakahanda raw ang ahensiyang tumulong.

MREC a728x90