‘SINADYA KO ‘YAN’ | Pres. Duterte, inisahan lang daw si Trillanes at maling account number ang ibinigay

1 month ago

MANILA, Philippines – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na maling bank account number ang sinabi niya na pagmamay-ari umano ni Senador Antonio Trillanes.

Sa isang panayam sa PTV 4, isiniwalat ni Duterte na maling account number ang binasa niya.  Matatandaang sinabi ni Duterte na mayroon daw 193,850 SGD si Trillanes sa DBS Bank sa Singapore.

duterte-vs-trillanes

“Ang binasa ko, 1780-00296-01-2 so ‘yan ang binigay niyang number. Binawasan ko ng number. Wala ito, imbento lang.  Ikaw Trillanes, you know when you lie, you put another lie to cover this lie then to cover this lie, you put another lie, patong-patong na ‘yan” sabi ni Duterte.

“Tinanggalan ko talaga, sinadya ko yan.  Ibig sabihin, peke lahat ‘yan.  Pati ito.  Hindi magbigay yan,” dagdag ni Duterte.

Ang binasa raw ni Mocha at Erwin Tulfo na bank number 11780-00281-60-2 ang totoo.

Mali raw ang ginamit na number ni Trillanes at hindi rin daw dapat galing sa Pilipinas ang waiver, kundi sa Singapore para tanggapin ng bangko.

“11780-00281-60-2 ito ang correct. Itong waiver niya ang hindi, tapos dito sa Pilipinas. Eh ‘di magwaiver ka dun ka sa Singapore, pumunta ka ng abugado don at baka papayag sila,” sabi ni Duterte.

“Kita mo siya ngayon. He’s desperate. Pumunta ng Singapore, mag-gastos lang para propaganda lang,” dagdag pa ni Duterte.

pduts

Nanindigan pa rin si Duterte na may offshore accounts si Trillanes at mga co-depositor.  Ang mga sources umano ni Duterte, mismong gobyerno ng ibang bansa. Hindi lang niya ito mailabas pa sa ngayon.

“May ilalabas pa ako sabi ko, this time yung mga joint account mo kasi hindi mo ilalabas ‘yan kasi kung wala ang pangalan ng depositor sa waiver mo. Iho, hindi papayag ang bangko.  Lahat ng deposito mo, may co-depositor.  Chinese nga karamihan,” sabi ni Duterte.

Dagdag pa ni Duterte, ilang beses na rin daw nagpabalik-balik si Trillanes sa Singapore para isara ang ibang accounts niya.

“Actually September pa Trillanes, bumabalik ka na sa foreign government, September pa pabalik-balik ka na sa Singapore banks. ‘Yung ibang bank accounts mo, kinlose mo. Ibigay ko yung number na tama, teka lang,” sabi ni Duterte.

Buwelta naman ni Trillanes, sinungaling si Duterte at sana ay maliwanagan ang mga Pilipino na naloko at patuloy na niloloko sila ng pangulo.

trillanesvsduterte

Kahapon ay lumipad pa si Trillanes sa Singapore at pinuntahan ang mga bankong pinaratang ni Duterte kung saan may mga bank accounts siya.

Pumunta siya sa DBS Bank – Alexandra branch sa Singapore kung saan mayroon daw siyang higit $193,850 singaporean dollars pero hindi siya binigyan ng certificate dahil hindi raw siya kliyente rito.

Sinadya rin ni Trillanes ang HongKong Shanghai Bank – Raffles Branch pero ang nakita niya sa Raffles city Tower ay isang HSBC ATM lang.

© 2017 TV5 NETWORK INC. ALL RIGHTS RESERVED.