SLIGHT BUMP | Aguirre: Pagbasura sa drug charges laban kina Kerwin Espinosa, Peter Lim at iba pa, dagok sa war on drugs

4 months ago

MANILA, Philippines (March 13, 2018) – Aminado si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na dagok sa war on drugs ng administrasyon ang pagkakabasura ng drug charges laban sa self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa, negosyanteng si Peter Lim at sa 20 iba pang drug suspect.

“The dismissal is a slight bump on the our war against drugs, it is likewise a wake up to all concerned that our efforts, from apprehension to resolution to conviction must be concerted and thorough,” sabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa isang statement ngayong tanghali.

“However, we remain committed to waging the war on drugs,” dagdag pa ng kalihim.

Kasabay nito, nilinaw ni Aguirre na hindi pa final ang ibinabang desisyon ng DOJ prosecutors laban sa mga akusado, lalo’t dadaan pa ito sa kanya.

“Suffice it to say that the current status of the case against the respondents Peter Lim et al., does not mean that it is a final exoneration of their respective criminal liabilities,” paliwanag ni Aguirre.

“Under our present procedure in the DOJ, there are possible avenues to review this case, either by a motion for reconsideration, or ultimately, by way of automatic review by my office.”

Nilinaw din ni Aguirre na wala siyang kinalaman sa naging resolusyon ng DOJ prosecutors sa reklamo.

28833025_10155659441908051_2039734780_n

NEWS5 FILE PHOTOS | Kerwin Espinosa at Peter Lim.

Dahil sa mahinang ebidensya, ibinasura ng DOJ prosecutors kahapon ang drug charges laban kina Espinosa, Lim at iba pa kaugnay ng drug trade sa Visayas.

Isa si Espinosa sa mga nagdidiin kay Senator Leila de Lima sa iligal na droga. Siya rin ay anak ng napatay na alkalde ng Albuera, Leyte na si Ronaldo Espinosa.

Si Lim naman ang negosyanteng kaibigan umano ni President Rodrigo Duterte na idinadawit din sa malawakang drug trade. Siya ang negosyanteng personal na iniharap sa Pangulo sa Davao City noong July 2016 para idiing siya ay inosente.