SMOKING BAN | Paninigarilyo sa pampublikong lugar, ipinagbabawal; Presyo ng yosi, isinusulong na itaas

6 months ago

MANILA, Philippines – Nilagdaan na ni Pres. Rodrigo Duterte ang executive order o kautusan na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa buong bansa.

smoking-ban-2

Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, pinirmahan ni Duterte ang kautusan noong Martes, May 16.

Una nang sinabi na ibabase ang kautusan sa ipinatutupad sa Davao City, kung saan bawal ang paninigarilyo sa mga parke, jeepney at bus stations, sa loob ng mga sasakyan at iba pang itinuturing na pampublikong lugar.

smoking-1

TAAS PRESYO SA SIGARILYO

Mula nang ipatupad ang sin tax law, malaki na ang itinaas ng presyo ng sigarilyo.

Bukod pa dyan, nilagyan na rin noong nakaraang taon ang bawat pakete ng sigarilyo ng graphic warning labels na nagpapakita ng masamang epekto ng paninigarilyo.

Ayon sa Department of Health, base sa inilabas na resulta ng Global Adult Tobacco Survey, mahigit isang milyon na ang tumigil sa pagyoyosi sa Pilipinas. Mula 17 milyon noong 2009, 15.9 milyon na lang noong 2015.
Lumabas din sa survey na 3 sa bawat 4 na Pinoy na naninigarilyo ang gusto na ring tumigil sa bisyo.

smoking-2

Kaya naman isinusulong ngayon ng isang grupo ng mga doktor na gawing P500 ang presyo ng bawat kaha ng sigarilyo. Dagdag pa ditom isinusulong din nila na itaas ang legal na edad sa mga naninigarilyo, mula 18 ay gawin itong 21 years old.

smoking-3