‘SO FAR THAT’S THE PLAN’ | Ex-CJ Sereno, planong mag-apela sa kanyang pagkakatangal sa puwesto

1 week ago

MANILA, Philippines (May 13, 2018) – Plano raw mag-apela ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno tungkol sa naging desisyon ng Korte Suprema na patalsikin siya sa puwesto. Ito ang pahayag ng spokesman ni Sereno na si Carlo Cruz sa panayam ng News5.

dsse

“So far that’s the plan. We have 15 days to file that. When it will be filed, desisyon na ng lawyers yun pero I understand that there is actually a plan to file a motion,” sabi ni Cruz.

Mabusisi rin daw na pinag-aaralan ng kampo ni Sereno ang naging desisyon bago nila pormal na ihain ang nasabing motion for reconsideration (MR).

“Pinag-aaralan pa yung decision. The decision just came out two days ago, medyo mahaba-haba rin yun para makita nila yung grounds for motion to reconsideration. Gagawin din yun, actually [we have] 15 days to finish it,” sabi ni Cruz.

Matatandaang noong Biyernes ay inanunsiyo ni Atty. Theodore Te ang desisyon ng Korte Suprema tungkol sa quo warranto petition laban kay Sereno kung saan sa botong 8-6 ay pumabor na tanggalin si Sereno sa kanyang posisyon bilang punong mahistrado.