AGREEMENT? | Sen. De lima, naniniwala na may kasunduan sa pagpapalaya kay Lt. Col. Marcelino

6 months ago

QUEZON CITY, Philippines (2nd update) – Naniniwala si Sen. De Lima na may binuong kasunduan sa paglaya ni Lt. Col. Ferdinand Marcelino. Ito ay ang pagdawit sa kanya sa kalakalan ng iligal na droga.

Sinabi ito ng senador matapos pumunta sa pagdinig ng reklamong ‘disobedience to summons’ laban sa kanya sa Quezon City MTC Branch 34 kanina, Biyernes, May 19.

de-lima

Naaresto noong Enero 2016 si Lt. Col. Marcelino at Chinese niyang dahil sa umano’y natagpuang iligal na droga. Paliwanag naman ni Marcelino, lehitimong surveillance operation ang isinasagawa niya nang arestuhin ng PNP at PDEA.

Nakalaya si Marcelino kahapon matapos iurong ng Dept. of Justice ang kaso. Ayon sa abogado ni Marcelino na si Public Attorneys’ Office Chief Persida Acosta, handang tumestigo ang opisyal ng Marines laban kay De Lima.

Nag-ugat naman ang reklamong disobedience to summons sa pag-utos ng senadora sa dating nobyo at driver na si Ronnie Dayan na huwag humarap sa imbestigasyon ng Kamara.

Tinatalakay noon ng House Justice Committee ang Bilibid drug trade. Hindi rin dumalo sa pagdinig ng komite si De Lima.

Marso 2017 nang sumalang sa arraignment si De Lima kaugnay ng reklamo pero tumanggi siyang maghain ng plea. Korte na tuloy ang nagsumite ng not guilty plea para sa kanya. Abril naman nang hilingin niya sa korte na ibasura ito.