SUNOG SA QC | Dalawa, patay sa sunog sa Quezon City kagabi

3 months ago

APRIL 24, 2018 – Hindi na nakalabas ng buhay ang isang mag-ina dahil sa sunog na tumupok sa kanilang bahay sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City kagabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog pasado alas onse kagabi at umabot pa sa ikalawang alarma.

Tatlumpung pamilya ang tinatayang naapektuhan ng insidente.

Pinaniniwalaang nag-ugat ang sunog sa napabayaang apoy sa panggatong.

Idineklara nang fire out sa lugar habang patuloy pa ring inaalam ang halaga ng mga ari-ariang natupok ng sunog.