SUPPORT CHR | Mga senador, umalma sa ibinigay na P1,000 budget ng Kamara para sa komisyon

2 months ago

MANILA, Philippines – Siniguro ng mga senador na hindi P1,000 ang matatanggap na budget ng Commission on Human Rights (CHR) para sa susunod na taon.

Nauna nang nagpahayag si Senador Ping Lacson na siya ring sponsor ng budget sa CHR na ibabalik nila ang P678 million na pondo para sa komisyon.

tara-sen-lacson

“Ako ang mag-defend. So obligado talaga ako na i-defend yan. Ang pina-approve kong budget is P678M, kasama roon ang P28.6M para sa human rights violations, victims memorial commission. Kaya total niyan P678M,” sabi ni Lacson.

Suportado naman ng minorya ang pahayag na ito ni Lacson.  Para kay Senador Franklin Drilon, tila ina-abolish na raw ang CHR sa ginawang hakbang ng Kamara.

“Ang CHR is a constitutional body. By approving P1,000, in effect you are abolishing the CHR by removing any power to operate the agency,” sabi ni Drilon.

Kung magpumilit daw ang Kamara at hindi makipagkasundo sa magiging desisyon ng Senado ay magkakaroon ng ‘deadlock’ at baka ire-enact ang 2017 budget. “We will return the budget in the senate. We will take the position that if the house will not agree to restore the budget of the CHR, then so be it, we will have a re-enacted budget. The Senate, I would like to think, will not stand for the abolition of the CHR, through giving it a P1,000 budget. If the house will insist on that, then there will be a deadlock for 2018 general appropriations act,” sabi ni Drilon.

drilon

Hindi rin daw tama ang kondisyon umano ni House Speaker Pantaleon Alvarez na palitan si Chito Gascon sa CHR para madagdagan ang budget nila.

“That is not proper. We should not use the budget for things like this. We look at the budget and if there’s anything wrong in the budget, let’s do something, but I don’t think the resignation is part of the CHR’s budget,” sabi ni Drilon.

“This issue is beyond Chairman Gascon, this is beyond any commissioner of the CHR. This is beyond any member or employee of the CHR. This issue is about ano ba ang tama, ano ba ang mali, ano ba ang constitutional, ano ba ang unconstitutional. Yan ang pinag-uusapan,” dagdag naman ni Lacson.

Naniniwala rin si Senadora Grace Poe na kailangang suportahan ang CHR para magampanan nila ang kanilang trabaho.

grace-poe

“Kung ang inaakala ng iba ang CHR ay kalaban sa giyera sa droga—hindi, ang CHR ay nandiyan para labanan ang mga umaabuso at ang mga kriminal, kaya para sa akin pagdating dito sa Senado, hindi magiging ganyan ang sitwasyon… kailangang bigyan ng tamang suporta ang mga independent bodies ng gobyerno para magawa nila ang kanilang trabaho ng walang kinikilingan,” sabi ni Poe.

Dagdag pa niya, kailangan pa nga raw magdagdag ng tauhan ang CHR. “Kung sabihin na natin, 2,000 ang iimbestigahan nila sa naging operasyon sa war on drugs at hindi lamang war on drugs, ang dami pang ibang concerns. Kulang ang mga tauhan ng CHR, kailangang damihan nila.”

Nakakalungkot at nakababahala rin daw ang ginawa ng Kamara para kay Senadora Risa Hontiveros.  “It seems that this government is willing to use taxpayer’s money to reward lies and incompetence rather than allow a Constitutionally-created body to fulfill its mandate to protect the human rights of Filipinos,” sabi ni Hontiveros.

risachr

Nasa Senado na ngayon gugulong ang approved version ng Kamara.  Dito ay muling sasalang sa deliberations ang proposed budget. Kung magkaroon ng bersyon ang Senado na hindi kapareho ang ipinasa ng Kamara, uupo ang mga senador at kongresista sa isang bicameral conference.  Magkakasundo ang komite sa final version na ipapasa sa pangulo. Sa huli, nasa pangulo pa rin kung aaprubahan ang halangang mapapagkasunduan sa bicam o puwede itong i-veto ng pangulo at ibalik sa P1,000 pero pwede ring kontrahin ng Kongreso basta may 2/3 na boto.

senators-on-chr