SUSPENSION LIFTED | Uber, balik-operasyon na

3 weeks ago

MANILA, Philippines – Tinanggal na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang suspension ng transport network company na Uber. Ito ay matapos magbayad ang Uber ng P190 milyon na multang ipinataw ng LTFRB.

cheke-uber

Nakarating na rin sa halos 40,000 na naapektuhang drivers ang halos P300 million na financial assistance na isa ring kondisyon ng LTFRB. Kung susumahin, umabot sa P489.24 million o $9.58 million ang halagang inilabas ng Uber. Maliit na bagay o .55% lang sa $1.75 billion na kanilang net revenue o kabuuang kita ng buong kumpanya nitong second quarter ng taon.

uber-489m

“Hindi po pera-pera lang ang usapan dito, ang mensahe po rito ay it’s all about compliance,” sabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

Matatandaang noong Biyernes, Agosto 25 ng hapon ay naglabas ng desisyon ang LTFRB na nagpapataw ng P190 milyon na multa sa Uber kapalit ang suspensyon nito.

 

© 2017 TV5 NETWORK INC. ALL RIGHTS RESERVED.