SWS SURVEY | Net satisfaction rating nina Alvarez at Sereno, bumaba; Grado ni Pimentel, tumaas

2 months ago

Bumaba ang net satisfaction rating nina House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez at Chief Justice Lourdes Sereno ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Nasa +8 (neutral) ang nakuhang grado ni Alvarez mula sa +16 (moderate) noong Hunyo. Ito na raw ang “personal low” o pinakamababang grado ng House Speaker.

Pinakamalaki raw ang ibinaba na grado ni Alvarez sa class E o pinakamahihirap at edad 35-44.

Si Chief Justice Sereno naman, bumaba ng 12 puntos ang grado mula +21(moderate) papuntang +9 (neutral).

Malaki raw ang ibinabang grado ni Sereno sa Mindanao, Metro Manila at Luzon.

rates

Habang si Senate Pres. Koko Pimentel naman, tumaas ang grado ng 13 puntos ang grado (+46). Ito na raw ang “personal high” ng Senate President.