TIGIL-PASADA? | Grupong PISTON, magsasagawa ng malawakang protesta sa Enero 24; Hiling na P6.00 na dagdag-pasahe, isinusulong

9 months ago

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng press conference ang national council ng grupong PISTON para kondenahin ang ‘Tanggal Bulok, Tanggal Usok’ campaign ng I-ACT sa mga jeepney.

26906280_1846122018733206_209992651_o

Ayon kay George San Mateo, ang presidente at tagapagsalita ng PISTON, pangigipit at pag-aalis daw ng kabuhayan ang isinasagawang operasyon ng I-ACT sa mga public utility vehicles na tulad ng mga jeep.

Dagdag pa ni San Matero, ikakasa raw ng PISTON ang mga picket, rally at caravan bago ang malakihang welga. Bukod sa kanilang hinaing tungkol sa operasyon ng I-ACT ay bahagi rin daw ito ng kanilang pagtutol sa TRAIN Law. Humihingi rin daw sila sa LTFRB ng P6.00 karagdagang singil sa pasahe.

Magsasagawa rin ng malaking protesta sa Enero 24 ang grupo. Ito ay gaganapin sa mga tanggapan ng LTFRB para hilingin na ibasura ang kaso ni PISTON President George San Mateo na unang diringin sa Branch 23 ng MTC sa Quezon City.

Siniguro naman nila na walang dapat ipag-alala ang publiko na kahit nationwide ang kanilang protest caravan ay hindi raw mapaparalisa ang byahe ng mga jeep.