TOTAL BAN | Duterte, tuluyan nang ipinagbawal ang pagpapadala ng mga OFW sa Kuwait

3 months ago

FEBRUARY 9, 2018 – Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang total ban sa pag-deploy o pagpapadala ng mga Pilipinong nais magtrabaho sa Kuwait.

Ito’y matapos matagpuan ang bangkay ng overseas Filipino worker (OFW) na si Joanna Daniela Demafelis sa isang freezer.  Dalawang taon nang napaulat na nawawala si Demafelis.

“I am ready to take drastic steps that would help preserve Filipino life and limb. We do not intend to offend any government or anyone. But if a ban is what is needed, then let it be so,” sabi ni Duterte.

Ikinagalit ng Pangulo nang makita niya ang mga litrato ng natagpuang katawan ni Demafelis.

“I was reading this report complete with pictures sa eroplano.  P***** ***, hindi ko na masikmura ito. It is totally unacceptable to me,” sabi ni Duterte.

“What are you doing to my countrymen? And if I were to do it to your citizens here, would you be happy?” dagdag pa niya.

Muling iginiit ng Pangulo na kahit pa nagtatrabaho para sa ibang bansa ang ilang mga Pilipino ay hindi sila mga alipin.  Nasasaktan din siya sa bawat napapabalitang pang-aabuso sa mga OFW.

“The Filipino is no slave to anyone, anywhere and everywhere. Every unlawful physical injury that is inflicted on an OFW is an injury that I personally bear as the head of this Republic. Every abuse committed against an OFW is affront against us, as a sovereign nation,” sabi ni Duterte.

Pakiusap niya sa Arab nations, tratuhin nang maayos at may dignidad ang bawat OFW.

“All that I ask for our overseas Filipino workers, is that their dignity is honored and their human rights, upheld and respected.”

Kakausapin daw ng Pangulo ang mga pangunahing airline companies sa Pilipinas para magbigay ng slots para sa mga OFW na nais nang bumalik sa bansa.

“Those who want to be repatriated, with or without money, I will ask Philippine Airlines and Cebu Pacific to provide the transportation. I want them out of the country those who want to go out in 72 hours,” sabi ni Duterte.

Matatandaang noong Enero 19, 2018, ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang suspensyon ng pagproseso ng mga bagong overseas employment certificates para sa mga gusto magtrabaho sa Kuwait. Ito’y habang gumugulong ang imbestigasyon sa pagkamatay ng pitong OFW doon.