‘TRAPO’ | Trillanes, Hontiveros, Pangilinan, sumagot sa mga banat ni Mayor Sara Duterte

2 months ago

MANILA, Philppines – Bumuwelta ang mga senador na binanatan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa kanyang Facebook post kaninang umaga.

Matatandaang sinabi ni Inday Sara kung paanong nanghingi ng tulong sa kampanya sina Sen. Kiko Pangilinan, Sen. Risa Hontiveros at Sen. Antonio Trillanes IV sa kanya at kay Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang eleksyon.

tindig-pilipinas-2

Ikinalungkot ni Pangilinan ang post ng mayora.  Marunong din naman daw syang tumanaw ng utang na loob sa mga tumulong sa kanya noong eleksyon. Sa katunayan, may ilang proyekto na raw siyang nailaan sa Davao City sa loob ng kanyang dalawang termino bilang senador.

“Subalit ang tungkulin natin sa bayan at sa kapwa Pilipino ay mas matimbang sa anumang pagkakaibigan. May hangganan din ang tumanaw ng utang na loob,” sabi ni Pangilinan.

kiko

Pinasinungalingan din niya ang paratang ng mayora na may ambisyon silang tatlong nila Trillanes at Hontiveros na mag-presidente.

“Sa totoo lang, mas madali at may pakinabang sa nag-a-ambisyon ang tumahimik na lang at sumama sa agos. Marami sa Partido Liberal ang lumipat na sa PDP-Laban dahil sa ambisyon at sa pulitika. Dapat sana ganun din ako,” sabi ni Pangilinan.

Maninindigan daw siya sa pagbatikos sa administrasyon at sa madugong kampanya nito kontra iligal na droga.

“Hindi pa rin tama ang araw-araw na patayan lalo na ng mga bata at ang pagpapalusot ng tone-toneladang shabu sa Customs. Yan ang mga dahilan kaya tayo pumupuna,” sabi ni Pangilinan.

“Nauunawaan ko ang sitwasyon nang binabatikos sa pulitika. Halos dalawang dekada na rin akong naninilbihan bilang mataas na opisyal ng bansa. Masakit ang pinupuna at binabatikos ngunit ganyan ang demokrasya,” dagdag pa niya.

Hindi naman inaasahan ni Sen. Hontiveros ang mga sinabi ng mayora dahil marami raw silang napagsamahan.  Laking pasasalamat din niya sa pagsuporta ng mayor noong kampanya.  Pero alam naman daw ni Mayor Sara noong umpisa lang kung ano ang pananaw ni Hontiveros sa isyu ng human rights at extrajudicial killings.

risa-1

“My stand on the war on drugs and my current criticisms of the administration should come as no surprise. Dissent is healthy in a democracy. It serves a check and balance to abuse of power and a way to better governance. It should never be viewed as a hindrance,” sabi ni Hontiveros.

“I harbor the Mayor no ill will and I wish her well. But this is not a question of loyalty. This is a matter of service, of consistency and of principle, and the defense of the rule of law and human rights. I am sure, as a fellow public servant, she understands that,” dagdag pa niya.

Samantala, ayon naman kay Sen. Trillanes, “Ang mga panunumbat ni Mayor Sara Duterte ay nung hindi ko pa kilalang mamamatay tao at magnanakaw ang tatay nyang si Pres. Duterte. Iba na ngayon, alam ko na ang katotohanan.”

trillanes

Sa huli, may tanong ding iniwan ang Senador kay mayor.

‘Di ba naisip ni Sara Duterte na ‘di hamak na mas madaling maging oportunista sa pagsipsip ngayon kay Duterte imbes na kalabanin sya? Maiba ko, kelan kayo pipirma ng waiver para mapatunayan nIyo sa taong bayan na hindi kurakot ang pamilya niyo?