‘WAG MAKIALAM | Pres. Spokesperson Roque, maari raw maharap sa kasong graft kapag ipinagpatuloy ang pakikialam sa Ortega case

3 months ago

MANILA, Philippines – Maari raw makasuhan ng graft si Presidential Spokesperson Harry Roque dahil pagtuligsa nito sa naging ruling ng Court of Appeals na nagpapalaya kay dating Palawan Governor Joel Reyes, ayon kay Atty. Ferdinand Topacio.

topacio-roque-011418

Si Roque ay dating abogado ng pamilya ng napaslang na brodkaster na si Gerry Ortega.

Ayon kay Topacio, isang cabinet member na si Roque kung kaya’t unethical na magkumento pa ito tungkol sa nasabing kaso. Hindi rin daw tama na gamitin niya ang kanyang  posisyon tungkol sa kasong dati nitong hinawakan.

“Kami po ay nagtataka kung sino ang kinakatawan ni Roque nang magsalita siya tungkol sa kaso. Bilang member ng gabinete, hindi na po siya pwedeng magpractice ng kanyang propesyon na lawyer… therefore, he’s no longer the lawyer of the Ortega and he cannot speak for them,” sabi ni Atty. Topacio.

Kinuwestiyon ng kampo ni Reyes ang pagbibigay ni Roque ng kanyang personal na opinion tungkol sa kaso na hindi naman nanggaling o pinapasabi ni Pangulong Duterte. Dapat daw na mag-isip at mamili si Roque kung manatili siya sa kanyang posisyon bilang presidential spokesperson o magpatuloy bilang pribadong abogado.

“Yung advisory na I’m asking for his resignation should be taken, I’m not asking that he resign… what I’m asking is he should choose. Does he want to be presidential spokesman or does he want to continue as [a] private lawyer?,” giit ni Atty. Topacio.

Hamon pa ni Topacio kay Roque, magsampa na lang ng  kasong libel kung mali ang mga sinasabi niya laban sa kalihim. Inakusahan din niya si Roque na mentally dishonest.

Samantala, naghain na rin ng mosyon sa Court of Appeals ang kampo ni Reyes para isailalim sa indirect contempt si Roque.