‘WE ARE MANDATED TO SERVE THE PUBLIC’ | Pres. Duterte, hindi magdadalawang-isip na sibakin sa puwesto ang mga opisyal na abusado

1 month ago

LEGAZPI CITY, Philippines (April 22, 2018) – Muling nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na aalisin sa puwesto ang mga opisyal ng gobyerno na mapapatunayang umaabuso o nang-aabuso sa panunungkulan.

duterte-galit

“The other day I fired two, one undersecretary… Ito mag — at saka mag-warning ako sa inyo ha. I said, when you are fired, it is because of graft and corruption. Kung sabihin mo lang if it’s a behavior or attitude on certain matters or before the public, I could al — I would always say, be courteous to your employers,” sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa 24th National Federation Motorcycle Clubs of the Philippines (NFMCP) Annual Convention na ginanap sa Peñaranda Park, Legazpi City.

Ipinangako rin ng Pangulo na agaran niyang aaksyunan ang mga reklamong ipapaabot sa kanyang opisina. Sinabi rin niyang hindi siya papayag na may mga opisyal ng gobyerno na aabusuhin ang kanilang posisyon lalo na sa usaping korapsyon.

Dagdag pa niya, ang taumbayan ang nagpapasweldo sa mga kagaya niyang opisyal kaya nararapat lang manungkulan sila ng tapat at nararapat para sa mga Pilipino.

“Kasi sila diyan ang nagbayad ng sweldo natin. Do not consider yourself, you know, sit on your table as if you are an official. You are not, actually. I don’t know who invented this idiotic thing about being a high official and being treated more than just the ordinary person. We are workers of government and we are mandated to serve the public. Then you have to be courteous and protect the money of the people,” sabi ni Pangulong Duterte

Matatandaang kamakailan lang ay napagdesisyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin sa puwesto sina Maritime Industry Authority (Marina) Administrator Marcial Amaro III at Justice Secretary Vitaliano Aguirre II dahil sa mga anomalya na umano’y kanilang kinasangkutan.