‘WE DON’T NEED YOU’ | Duterte to EU ambassadors: You leave my country in 24 hours

1 week ago

MANILA, Philippines – Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng European Union.

Hindi raw magagawa ng mga bansa ng EU na mapatalsik ang Pilipinas sa United Nations Human Rights Council.

“Do not come to this country again. We do not need you. You want to expel us? You try.  Your $1,000 dollars will earn P1-M from me if you can expel us from the UN,” sabi ni Duterte.

Malabo raw kasing payagan ng mga kilalang kaalyado ng pangulo na Russia at China ang pag-alis sa Pilipinas sa UN HRC.

Bago raw kasi mapatalsik ay dadaan ito sa Security Council na parehong permanenteng miyembro ang Russia at China.

“You think China and Russia will allow that? Kasi ang pagtingin niyo sa amin, walang alam sa charter ng United Nations.  You think that we are a bunch of morons here?  You are the one… Is it your decision? You really think you can do it?” paghahamon ng pangulo.

Binantaan din niyang palayasin ang mga ambassador ng EU na nasa bansa.  “The ambassadors of those countries listening now, tell me because we can have the diplomatic channel cut tomorrow.  You leave my country in 24 hours. All of you.  You must have taken the Filipino for granted. Saying that we could be excluded.  You have to pass by the Security Council,” sabi ni Duterte.

pres-duterte-2-oct-12

Kinuwestiyon din ni Duterte kung ano ang kaibahan ng pagtingin sa tama at mali noon at ngayon.

“Itong mga EU, is the morality noong panahon ng in the late 18th, 19th and 20th, was the morality of right and wrong different from the morality of what is right and wrong now?”

Dapat daw munang tignan ng EU ang sarili nila bago makialam sa Pilipinas lalo pa’t sila raw ang nag-umpisa ng World War I.

“Dinamay niyo ang Middle East because you were the great colonizers…  You massacred pareho kayo, Europeans and the Arabs that you took in as armies, you killed, slaughtered each other. 15 million stupid Europeans died because of you,” sabi ni Duterte.

“Bakit, ang right or wrong ba noon, hindi ba right and wrong pati ngayon? So bakit kami? Why don’t you start scratching your head?   Kung mag-ano kayo… you will be excluded in the UN?! P******** niyo, gawin niyo,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Duterte, hindi kailangan ng Pilipinas makipag-ugnayan sa mga bansa sa EU.

“We are past the colonization stage. Don’t f**k with us.  We ASEAN members can export to each other.  We can also have tariff-free,” sabi ng pangulo.

“China said no problem, we’ll help you.  Russia, nagpadala nga ng armas, wala pang bayad,” sabi ni Duterte.

Matatandaang maraming beses na ring pinuna ni Duterte ang panghihimasok ng EU sa usapin ng human rights sa bansa.  Ilang delegasyon na rin EU ang bumisita sa bansa para imbestigahan at tingnan ang kasalukuyang war on drugs ng administrasyon.

 

© 2017 TV5 NETWORK INC. ALL RIGHTS RESERVED.