(SPECIAL REPORT) – Pangunahing plataporma ni Sen. Mark Villar noong panahon ng kampanya ang pagpapatuloy ng Build, Build, Build program ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Pero ngayong mambabatas na siya, paano niya masisiguro ang pagpapagawa ng mga dagdag na imprastraktura, lalo’t may mga nagsasabing hindi tunay na nagtagumpay ang nasabing programa?
By Emmylou Olaybar
Hindi naging tahimik si Sen. Mark Villar noong panahon ng kampanya tungkol sa pagpapatuloy at mas tamang implementasyon ng Build, Build, Build Program. Para sa kanya, lalong mapapalakas ang turismo, ekonomiya, at employment kapag naipagpatuloy ito.
Bago nakapasok sa Senado, limang taon siyang naging kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang pangunahing ahensya na nagpatakbo ng flagship infrastructure program ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Villar, sa ilalim ng Build, Build, Build program, nakapagpatayo ang DPWH ng higit 29,000 kilometerong mga kalsada, halos 6,000 na mga tulay, mahigit 730 na COVID-19 facilities, at iba pa. Halos 6.5 milyong trabaho rin daw ang naibigay nito, lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Marami ang humanga sa kanyang panunungkulan at nagresulta ito sa kanyang tagumpay sa unang pagsabak sa senatorial race. Nagtapos siya sa ika-anim na puwesto matapos makakuha ng 19.5 milyong boto.
“The success of BBB plus the legacy of my parents help me in my campaign,” ani Villar sa panayam ng Philippine News Agency noong panahon ng kampanya.
Noong manalo, nanawagan si Villar sa taumbayan na magkaisa para sa pagbangon ng bansa mula sa pandemya.
“Now is the time for us to really be unified to work together as one, and we make sure that we build, build, build, a country that the Filipino deserves,” sabi ng first-time senator sa kanyang proklamasyon.
Tulay ng DPWH sa Senado
Sa panayam ng News5, sinabi ni Villar, 43, na kahit nasa Senado na siya, patuloy pa rin siyang aalalay sa DPWH. Aniya, ito ay para masiguro na may sapat na pondo ang mga proyekto.
Magpapanukala rin daw si Villar ng batas upang i-institutionalize ang Build, Build, Build program upang mas makatulong din sa sektor ng edukasyon, kalusugan, agrikultura, at iba.
“Aaralin natin ito na magkaroon ng 30-year program na kung saan ang mga ginagawang imprastruktura ay may sinusunod na standards sa paggawa ng mga pasilidad, daan, eskuwelahan at iba pa,” dagdag ni Villar.
Balak din ni Villar na mas ihatid pa sa marginalized sectors ang pagpapatayo ng mga imprastraktura gaya ng farm-to-market at farm-to-mill roads.
Golden Age of Infrastructure?
Naniniwala si Villar at iba pang opisyal ni Duterte na nakamit ang “Golden Age of Infrastructure” sa ilalim ng Build, Build, Build program.
Pero ayon kay Infrawatch PH convenor Terry Ridon, hindi pa masasabing nakamit na ito dahil kaunting proyekto lang ang natapos.
“Out of 119 (projects), they only delivered 18. In fact, ‘di pa nga ‘yun completed, ongoing pa,” ani Ridon sa panayam ng CNN Philippines.
RELATED STORY: CLOSE LOOK | Presidential candidates must review issues in Build, Build, Build projects, says group
Una nang iniulat ng DPWH na nasa P70.65 billion o 1.4% pa lang ng P5.08 trillion kabuuang costs of investments ang nagagamit para sa mga proyekto.
Kahit malaki ang annual budget na binigay sa DPWH sa termino ni Duterte—P786.6 billion ngayong taon—hindi pa rin naiwasang umutang ng gobyerno para sa infrastructure projects.
Nitong Hunyo lang, inanunsyo ng Department of Finance na muling umutang ang administrasyong Duterte ng P17.4 billion sa China para sa pagtatayo ng tulay na magkokonekta sa Davao City at Samal Island.
May ilang kritiko rin na nagsabi na hindi direktang nakatutulong ang Build, Build, Build program sa mga mahihirap.
Para kay labor leader Leody de Guzman, hindi nito natugunan ang mga problema ng mga ordinaryong Pilipino kagaya ng pagkain, unemployment, edukasyon, at presyo ng kuryente.
Family business?
Naging kontrobersyal para sa ilan ang pagpasok ni Villar sa Kongreso. Makakasama kasi niya sa Senado ang kanyang ina na si Sen. Cynthia habang nasa Kamara naman ang kanyang kapatid na si Las Piñas Rep. Camille Villar. Naging senador din ang kanilang ama na si Manny Villar noong 2001 hanggang 2013.
Kabilang ang pamilya Villar sa lumalalang kultura ng political dynasty sa gobyerno. Maraming hakbang na ang ginawa noon para ipagbawal ito ngunit hindi lumulusot ang mga panukala sa Kongreso.
Inamin ni Atty. Michael Yusingco ng Ateneo School of Government, na imposible na talagang magkaroon ng batas na nagbabawal ng political dynasty. Ngunit ang pagpasa nito sa pamamagitan ng inisyatibo ng mga tao ay nananatili pa ring opsyon.
“Ang kakausapin ko muna ay ‘yung karamihan ng botante ngayon which is the youth. Kinabukasan niyo ang nakasalalay dito, itong mga naboboto na public official na galing dynasty, hindi nila iniisip ang kinabukasan niyo. Ang iniisip lang nila kinabukasan nila. So you have to do something,” ani Yusingco.
Humaharap din si Villar sa isyu ng conflict of interest. Isa rin kasi ang kanyang pamilya sa malalaking real estate developers sa bansa at nabigyan pa ng prangkisa para makapag-operate ng isang TV station.
“We have had many cases before when senators and members of the House of Representatives (belonged to) families that have business interests. Most of the time, they do protect the interest or push for the interest of their family businesses,” ani Prof. Ela Atienza, nagtuturo ng political science sa University of the Philippines, sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism.
Hindi na tahimik lang?
Kahit magkaiba ang trabaho ng pagiging kalihim ng gabinete at pagiging senador, naniniwala si Villar na magagamit niya sa Senado ang mga natutunan niya sa DPWH.
Ayon sa kanyang tumatak na campaign advertisement, “tahimik lang” si Villar. Pero kahit nakilala umano siya bilang “silent worker,” nangako siya na magiging produktibo siya at magiging bahagi ng mga diskusyon, lalo na sa mga panukalang batas na ipapasa sa Senado, kung saan parte siya ng mayorya.
Nagsilbi na rin bilang kinatawan ng Las Piñas si Villar mula 2010 hanggang 2016, kaya naman daw kahit noong hindi pa siya senador o DPWH secretary ay bukas na raw siya sa publiko.
Ipinangako na ni Marcos na maghahain siya ng isang “comprehensive infrastructure plan” para maipagpatuloy ang Build, Build, Build program.
“We will continue to build, I will complete on schedule the projects that have been started. I am not interested in taking credit. I want to build on the success that’s already happening,” pahayag ni Marcos sa kanyang inagurasyon.
(PM, KM)
Our Privacy Commitment
TV5 Network Inc. values and respects your privacy. We are committed to safeguarding your personal data in compliance with Republic Act No. 10173 or the Data Privacy Act of 2012 and its implementing rules and regulations.
We have developed a Privacy Policy that adopts and observes appropriate standards for personal data protection. While our Privacy Policy sets out the general principles governing the collection, use, and disclosure of our users’ personal information, our Privacy Commitment seeks to inform you more about TV5’s privacy practices.
Why do we collect your personal information (as applicable)?
We may collect and maintain basic information about you as site user of TV5 sites for the following purposes:
Where do we get your personal information?
There are several ways we collect your personal information.
Information that you personally provided.
Most of the personal information we have are those that you have provided us when you:
Information we collect during your engagement with us
We also collect information as you use our products and services, like:
Information we collect from other sources
Other means of collection of information may be through:
When do we disclose personal information?
There may be instances when we are required to share the information you provided us. In such cases, we ensure that your personal information will be disclosed on a confidential manner, through secure channels and in compliance with the Data Privacy Act and other privacy laws.
We will never share, rent, or sell your personal information to third parties outside of TV5 except in special cases where you have given consent, and in cases described in our privacy policy.
In some instances, we may be required to disclose your personal information to our agents, subsidiaries, affiliates, business partners and other third-party agencies and service providers as part of our regular business operations and for the provision of our programs and services. This means we might share your information with our service providers, contractors, and professional advisers who help us provide our services.
How we protect your personal information
The integrity, confidentiality, and security of your information is important to us. We have implemented technical, organizational, and physical security measures that are designed to protect your information from unauthorized or fraudulent access, alteration, disclosure, misuse, and other unlawful activities.
We also put in effect the following safeguards:
TV5 will not collect, use, or disclose your personal information for any purpose other than the purpose that you may have given your consent for.
What are your choices?
We make sure that we have your consent to continue to collect, use, and disclose your personal information for the purposes that we have identified. We want you to know that you may object or withdraw your consent and/or edit your consent preferences at any time.
If you wish to have access to the personal information in our custody or if you think that the personal information you provided is incomplete, or otherwise inaccurate, you may get in touch with our Data Protection Officer through the contact details provided below. In some instances, we may request for supporting documents or proof before we effect requested changes.
Data Protection Officer
TV5 Network Inc.
Reliance corner Sheridan Streets
Mandaluyong City
tv5dataprivacy@tv5.com.ph
What happens when there are changes in our Policy?
From time to time, we may update our privacy policy and practices to comply with changes in applicable laws and regulatory requirements, adapt to new technologies and protocols, and align with the best practices of the industry.
You will be provided notices if the changes are significant and, if we are required by law, we will obtain your updated consent.