Mula sa fact check ng Interaksyon
(Abril 27, 2022) – Pagsamba sa isang presidential candidate ang laman ng ilang mga komento sa Facebook hinggil sa nag-viral na larawan ng mga Kakampink noong Kuwaresma.
Hindi totoo ang pahayag na ito.
ANG PAHAYAG: May daluyong ng mga komento na nagsasabing pinupuri at sinasamba ang isang presidential candidate matapos mag-viral ang mga larawan ng mga Pilipino na nagtatanghal ng taunang “Kalbaryo ng Maralita” sa Katipunan.
Sa Facebook page ng isang pahayagan noong Martes, ibinahagi ang mga larawan ng isang lalaki na may hawak na palaspas at may bitbit na pink na mga sash. Mayroon din larawan ng pari na may bitbit na krus.
Ang post ay may caption na: “Pinangunahan ni Fr. Robert Reyes ang ‘Kalbaryo ng Maralita’ sa Leni-Kiko headquarters sa Katipunan Avenue, Quezon City noong Martes” (Isinalin mula sa wikang Ingles).
Sinasabi ng ilan sa mga nagkomento na ang mga nakunan ng larawan ay sumasamba kay Bise Presidente Leni Robredo, isang presidential candidate sa halalan.
“Kawawa naman si Lord, iba na ‘yung sinasamba, si LENI na,” saad ng isang Facebook user.
“Ang ginagawa lang nila ay purihin si Leni, hindi ang Panginoon at Tagapagligtas,” sabi ng isa pang online user sa wikang Ingles, kasama ang crying emoji.
“Nanay niyo panginoon na HAHAHA,” komento ng ibang Pilipino na tinutukoy si Robredo na minsan nang tinawag ang sarili bilang “ina ng bansa” bilang siya ang pangalawang pinakamataas na opisyal sa bansa.
“Masyado niyo (nang) iniidolo at sinasamba ang pink na lutang ina niyo!” saad ng isa pang kritiko.
Kinuwestiyon din ng ilang user ang paggamit ng pink na mga ribbon sa mga dahon ng palaspas at ang pink na tela sa krus.
“Hindi talaga magandang tingnan ang pink na ribon sa mga palaspas. Gayunman, kahit hindi magiging dahilan ng pagtalikod sa aking pananampalataya bilang Katoliko ang bagay na ito, palaisipan sa akin kung ang mga nagpapakilalang matuwid na pinuno ng simbahan sa bansang ito ay nasa katinuan pa. Sa halip na sila ang nangungunang manalangin para sa atin, panahon na siguro para tayong mga ordinaryong Katoliko ang mangunang magdasal para sa kanila,” saad ng isang Facebook user sa wikang Ingles.
Nagtaka naman ang iba at humiling ng paliwanag sa Simbahang Katoliko.
“Nirerespeto ko ang Simbahang Katoliko pero pakipaliwanag po ito,” saad ng isa sa pinaghalong wikang Tagalog at Ingles, lakip ang thinking face emoji.
MARKA: Kulang sa konteksto
ANG TOTOO: Ang “Kalbaryo ng Maralita” ay isang taunang protesta ng humalaw sa mga tradisyon at simbolo ng Kuwaresma upang ilarawan ang pang-araw-araw na pakikibaka ng maralitang tagalungsod para sa mas maayos na pamumuhay.
Isinasagawa ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), isang grupo ng maralitang tagalungsod, ang protestang pang-Kuwaresma taun-taon kung saan kinukundena nito ang mga polisiyang anti-poor at isyung panlipunan na kinakaharap ng mga Pilipino.
Sa ika-37 beses sa lansangan ngayong taon, pinapanawagan ng sektor na tanggalin ang fuel excise at value-added tax, ibasura ang oil deregulation law, bukod sa iba pa.
Higit sa tatlong libong indibidwal mula sa sektor ng maralitang tagalungsod ang nagtanghal ng “Kalbaryo ng Maralita” noong Martes na may temang “Wakasan ang Kalbaryo ng mga Maralita, Iluklok ang Tunay na Pag-asa.”
Itinanghal ito sa headquarters ng Leni-Kiko (Pangilinan) volunteer center sa Katipunan Avenue, Quezon City, at pinangunahan ni Fr. Robert Reyes.
Ayon sa mga ulat, nagsasadula ang partikular na eksena ng kalbaryo ngayong taon kung paanong ang pasyon, pagkamatay, at pagkabuhay ni Hesukristo ay sumasalamin sa danas ng maralitang tagalungsod na nakikibaka para palayain ang sarili sa kahirapan.
Noong 2015, nanawagan din ang Kadamay, sa pamamagitan ng “Kalbaryo ng Maralita”, para sa pagbitiw sa puwesto ng yumaong si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kung saan binatikos ng grupo ang umano’y pagsunod ng kanyang administrasyon sa mga dayuhang negosyo, bukod sa iba pa.
BAKIT ITO MAHALAGA: Ang post sa Facebook ng news outlet na nagdulot ng mga maling pahayag sa comment section ay naibahagi sa Facebook ng 44,000 beses. Umani rin ito ng 34,000 reactions at 13,000 komento.
Mayroong 646,066 likes at 812,595 followers ang page ng nasabing news outlet.
Patuloy na umaani ng komento ang post mula sa mga taong naniniwalang sinasamba umano si Robredo sa mga larawan at hindi nirerespeto ang Simbahang Katoliko.
—
Isinalin ang fact-check na ito mula sa ulat ng Interaksyon na bahagi ng #FactsFirstPH. Basahin sa link na ito ang buong ulat na unang isinulat sa Ingles.
Our Privacy Commitment
TV5 Network Inc. values and respects your privacy. We are committed to safeguarding your personal data in compliance with Republic Act No. 10173 or the Data Privacy Act of 2012 and its implementing rules and regulations.
We have developed a Privacy Policy that adopts and observes appropriate standards for personal data protection. While our Privacy Policy sets out the general principles governing the collection, use, and disclosure of our users’ personal information, our Privacy Commitment seeks to inform you more about TV5’s privacy practices.
Why do we collect your personal information (as applicable)?
We may collect and maintain basic information about you as site user of TV5 sites for the following purposes:
Where do we get your personal information?
There are several ways we collect your personal information.
Information that you personally provided.
Most of the personal information we have are those that you have provided us when you:
Information we collect during your engagement with us
We also collect information as you use our products and services, like:
Information we collect from other sources
Other means of collection of information may be through:
When do we disclose personal information?
There may be instances when we are required to share the information you provided us. In such cases, we ensure that your personal information will be disclosed on a confidential manner, through secure channels and in compliance with the Data Privacy Act and other privacy laws.
We will never share, rent, or sell your personal information to third parties outside of TV5 except in special cases where you have given consent, and in cases described in our privacy policy.
In some instances, we may be required to disclose your personal information to our agents, subsidiaries, affiliates, business partners and other third-party agencies and service providers as part of our regular business operations and for the provision of our programs and services. This means we might share your information with our service providers, contractors, and professional advisers who help us provide our services.
How we protect your personal information
The integrity, confidentiality, and security of your information is important to us. We have implemented technical, organizational, and physical security measures that are designed to protect your information from unauthorized or fraudulent access, alteration, disclosure, misuse, and other unlawful activities.
We also put in effect the following safeguards:
TV5 will not collect, use, or disclose your personal information for any purpose other than the purpose that you may have given your consent for.
What are your choices?
We make sure that we have your consent to continue to collect, use, and disclose your personal information for the purposes that we have identified. We want you to know that you may object or withdraw your consent and/or edit your consent preferences at any time.
If you wish to have access to the personal information in our custody or if you think that the personal information you provided is incomplete, or otherwise inaccurate, you may get in touch with our Data Protection Officer through the contact details provided below. In some instances, we may request for supporting documents or proof before we effect requested changes.
Data Protection Officer
TV5 Network Inc.
Reliance corner Sheridan Streets
Mandaluyong City
tv5dataprivacy@tv5.com.ph
What happens when there are changes in our Policy?
From time to time, we may update our privacy policy and practices to comply with changes in applicable laws and regulatory requirements, adapt to new technologies and protocols, and align with the best practices of the industry.
You will be provided notices if the changes are significant and, if we are required by law, we will obtain your updated consent.