(SPECIAL REPORT) – Opisyal nang nagsimula ang panunungkulan ni Bongbong Marcos Jr. bilang bagong pangulo ng bansa. Kasabay nito, magsisilbi rin siyang kalihim ng Department of Agriculture. Paano nga ba niya maisasakatuparan ang ilan sa kanyang mga pangako sa gitna ng mga krisis na hinaharap ng bansa?
By Beatrice Puente
Malaki ang responsibilidad na nakaatang kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa pagsisimula ng kanyang termino. Marami ang umaasa sa kanyang pangakong pagkaisahin ang bansa dahil sa laki ng boto na kanyang natanggap noong eleksyon na umabot sa higit 31 milyon.
Haharap si Marcos sa kaliwa’t kanang problema ng ekonomiya habang patuloy na tumataas ang mga presyo ng bilihin. Palaisipan para sa mga kritiko kung paano tutugunan ni Marcos ang mga suliraning ito dahil sa kawalan niya ng kongkretong plataporma noong kampanya.
Hindi lang magsisilbi si Marcos bilang pinuno ng bansa. Uupo rin siya bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA) sa gitna ng nagbabadyang krisis sa pagkain. Kailangan daw kasi ng agarang solusyon sa mga problema sa sektor.
“It’s important that the president take that portfolio not only to make it clear to everyone what a high priority we put on the agriculture sector but also as a practical matter so that things move quickly. Because the events of the global economy are moving very quickly,” ani Marcos noong Hunyo 20.
Malaki ang kaugnayan ng posisyong ito sa isa sa mga pinakatumatak niyang pangako noong kampanya—ang mapababa ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo. Umani ito ng samu’t saring reaksyon dahil tila mahirap ito maabot. Nilinaw naman niya kalaunan na isa lamang itong hangarin.
“That is the aspiration,” sabi ni Marcos noong Mayo 26. “Kausap ko na ‘yung ibang trader na baka puwede nating i-hold ng ilang buwan ‘yung presyo. I think we will be able to do it. That is the first step.”
Dagdag ni Marcos, na walang malawak na karanasan sa sektor, mahalaga ang pagsasaayos ng “value chain” sa pamamagitan ng bagong pamamaraan sa agrikultura. Mahalaga raw ang bagong teknolohiya upang maisulong ang industrial farming.
Saan aabot ang P20 mo?
Iminungkahi ni dating Department of Agrarian Reform (DAR) secretary Bernie Cruz ang pagtatayo ng “mega farms” upang isakatuparan ang plano. Posible aniyang gamitin ang magkakatabing lupang iginawad sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) para rito.
Maaari umanong magsimula muna sa 150,000 ektarya ng lupain upang makakuha ng 142 sako ng bigas. Matibay rin ang paniniwala ni Cruz na kaya pang mapababa ang production cost hanggang P7, batay sa kanilang pag-aaral.
“Ang problema na lang talaga natin, paano natin ito gagawin nang massive. Kailangan mag-pilot tayo nang malaki at ‘yung viability, nakita namin na talagang kayang-kaya kung magtutulong-tulong sa pamamagitan ng bagong technology,” ani Cruz noong Hunyo 8.
Hindi naman naniniwala ang ilang mga ekonomista tulad ni Emmanuel Leyco, ang presidente ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, na posibleng mapababa sa P20 ang presyo ng isang kilo ng bigas dahil sa laki ng gastos sa produksyon.
Kahit hindi kapani-paniwala, inamin niya ang posibilidad na maaaring naging epektibo ang pangakong ito upang mas maging “appealing” ang kampanya ni Marcos.
“I don’t think that is realistic because you have to pay the farmers, you have to pay the millers, you have to pay the transporters, you have to pay the retailers. I’m not sure P20 will be doable,” ayon kay Leyco noong Mayo 3.
Maski si dating DA secretary William Dar ay kumbinsidong hindi pa kayang ibaba sa ganitong lebel ang presyo ng bigas. Mangyayari lamang daw ito kung direktang bibili ang pamahalaan mula sa mga magsasaka. Tinatayang nasa P123 bilyon ang kailangang gastusin para rito.
Para naman kay dating DA secretary Manny Piñol, hindi mainam ang pagbitiw ni Marcos ng ganitong pangako. Hindi aniya ito “economically viable” dahil mas malaki ang lugi ng mga magsasaka at ng gobyerno kung isusulong ito sa ngayon.
“The rule of thumb is the price of rice divided by two is the price of palay. So, kung P20 ‘yung bigas mo, P10 lang ‘yung palay noong farmer eh malulugi ‘yung farmer. Hindi papayag ‘yun,” ani Piñol sa panayam ng CNN Philippines.
Problema sa produksyon
Sinabi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), hihigit pa sa P20 ang production cost ng bawat kilo ng bigas dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Malaking bagay kung magagawang mamahagi ng gobyerno ng P15,000 na subsidiya upang tulungan ang mga magsasaka sa produksyon, ayon kay KMP chairperson Danilo Ramos. Mahalaga rin aniya ang pagsuspinde sa excise tax at value-added tax sa langis upang mas maging abot-kaya ito, lalo na sa maliliit na magsasaka.
Pinayuhan din ni Ramos si Marcos na gumawa ng paraan upang paunlarin ang lokal na produksyon sa kanyang unang tatlong buwan sa puwesto.
Wala rin kontrol ang mga magsasaka sa presyo kung magkano nais bilhin ng mga trader ang palay, ayon kay Ramos. Naniniwala siyang malabong madiktahan ang rice traders sa presyo kung magkano nila nais ipagbili ang bigas sa merkado dahil sa konsepto ng liberalisasyon.
Dagdag ni Ramos, hindi na dapat pang ibalik ng anak ng yumaong diktador ang mga programa ng kanyang ama na ilang beses niyang ipinagmalaki noong kampanya. Ipinunto ng mga eksperto na parehong tagumpay at kapalpakan ang “Masagana 99” ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. dahil iniwan nitong baon sa utang ang mga magsasaka.
“Tigil-tigilan kami ni Bongbong.”
Kilusang Magbubukid ng Pilipinas says presidential bet Bongbong Marcos’ campaign promise of lowering rice to P20-30 per kilogram is a “fat lie,” noting that the only sustainable way to make rice affordable is by increasing local production. pic.twitter.com/Nul5AUUCzW
— ONE News PH (@onenewsph) April 26, 2022
“Hindi ‘yan naging solusyon sa problema ng mga magsasaka at consumer,” ani Ramos. “Grabe ‘yung nangyayari sa magsasaka kaya dapat ituring itong national security. Talagang tulungan, paglaanan ng malaking pondo, at hindi kurakutin. Panagutin ‘yung mga tiwaling opisyal para hindi pamarisan.”
Abot-kayang kuryente
Inaabangan din ng marami kung paano tutuparin ni Marcos ang pangako niyang pababain ang singil sa kuryente. Aniya, isa ito sa mga hinaing ng mga tao noong kampanya kaya kailangang magkaroon ng “sapat, maaasahan, at abot-kayang kuryente” sa bansa.
Inaaral pa nila kung paano puwedeng mapababa ang singil sa kuryente ngunit isa sa mga tinitingnan ang pagbawas sa generation charge, ayon kay Marcos. Maaari rin aniya silang magmungkahi ng amendments sa Electric Power Industry Reform Act dahil hindi na raw angkop sa panahon ang ilang probisyon nito.
“Even on the spot market and transmission charges, there are areas that puwede pa nating ibaba. Again, I’ve been talking to some of the producers sa energy production side natin, willing naman sila. Naintindihan naman nila na this is an emergency situation,” ani Marcos noong Mayo 26.
Binanggit niya rin ang plano ng maraming bansa para sa renewable energy. Ngunit naniniwala siyang kailangan munang humanap ng karagdagang energy source bago makamit ang “full transition” sa renewable energy. Dito raw maaaring pumasok ang nuclear energy.
Nag-alok ang South Korea na tumulong sa pag-rehabilitate ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP), ayon sa isang opisyal ng Philippine Nuclear Research Institute noong Disyembre. Maaari umanong tumagal nang apat hanggang limang taon ang rehabilitasyon na posibleng abutin ng hanggang $1.2 bilyon.
May plano rin makipagtulungan ang Pilipinas sa Estados Unidos hinggil sa paglikha ng nuclear energy program ng bansa, ayon kay United States ambassador Jose Manuel Romualdez noong Marso.
“Nuclear remains to be the cleanest ang cheapest way to produce energy. The problem is that the lead time for any power plant, not only nuclear, minimum ata five years,” ani Marcos.
Nabuhay ang usapin sa nuclear power matapos itong isama ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa energy mix ng bansa. Ayon sa Philippine Energy Plan, tinatayang nasa 57% ng power generation output ay galing sa coal plants habang 19.2% ay nagmumula sa gas plants.
Sinabi ni Marcos sa kanyang inaugural speech na hahanap siya ng paraan upang tugunan ang mga problema sa kuryente. Nagpahiwatig din siyang maaaring dumepende ang bansa sa suplay ng mga oil-rich na bansa.
Hindi pa malinaw ang kongkretong landas na tatahakin ng bagong administrasyon hinggil sa enerhiya. Ngunit sinabi ni Danish ambassador Grete Sillasen na desidido si Marcos gumamit ng sustainable at renewable energy, ayon sa kanilang usapan. Ipinagmalaki rin ni Marcos ang windmills sa Ilocos sa kanyang inaugural speech.
“(Marcos) certainly builds on the good experience from his own province in Ilocos Norte and thereby looks into how the increase of wind power can go into the mix. But no actual plans as much—more on dedication to seeing that sustainable and renewable energy is the way we need to look,” kuwento ni Sillasen.
‘Mixed signals’
Hinikayat naman ng advocacy groups na linawin ni Marcos ang tindig niya sa enerhiya. Ayon kay Greenpeace Philippines campaigner Khevin Yu, importanteng ilahad ito sa lalong madaling panahon dahil sa laki ng nakataya.
“What we need from (President) Bongbong Marcos is clarity,” ani Yu sa panayam ng News5. “Importante na maging malinaw ang kanyang policy imperatives kasi sa ngayon, nagkakaroon ng mixed signals whether ang gusto niya ba ay renewable energy but, on the other hand, nagpu-push siya ng nuclear.”
Tinuligsa rin ng grupo ang pagtukoy sa nuclear energy bilang pinakamalinis at pinakamurang energy source. Ipinunto ni Yu na hindi lamang ang pagtatayo at rehabilitasyon ang kailangang problemahin dito dahil sa masamang epekto sa kalikasan at kalusugan ng mamamayan.
Hindi raw malayong madagdagan pa ang utang ng bansa kung itutuloy ang pagbuhay sa BNPP. Mayroong P12.5 trilyong utang ang bansa sa pagtatapos ng Mayo, batay sa datos ng Bureau of Treasury.
Dagdag niya, importante rin ang pagsasaayos ng implementasyon ng Renewable Energy Law. Naniniwala siya na hindi sapat ang target ng pamahalaan na pataasin sa 35% ang sakop ng renewable energy sa power generation mix pagsapit ng 2030. Dapat daw itong iangat sa 50%.
Mismong Department of Energy (DOE) na rin ang nagsabi na malaki ang potensyal ng bansa sa paggamit ng renewable energy na sapat para sa kailangan ng bansa, paliwanag ni Yu.
“It’s a matter of harnessing it. Na-identify na ng DOE ‘yan. Maraming lugar ‘yan. Kailangan tulungan ng national government at bigyan na na ng priority ang mga areas na ito o ‘yung tinatawag na competitive renewable energy zones,” sabi ni Yu.
Paalala niya, dapat patuloy na magmatiyag ang mga Pilipino sa mga susunod na hakbang ni Marcos sa usapin ng enerhiya.
“Magiging business as usual lang ba ito or magiging transformative ito na tuluyang itutulak ang renewable energy? At hopefully, hindi na pansinin itong distractions tulad ng nuclear energy,” ani Yu.
(PM, KM)
Our Privacy Commitment
TV5 Network Inc. values and respects your privacy. We are committed to safeguarding your personal data in compliance with Republic Act No. 10173 or the Data Privacy Act of 2012 and its implementing rules and regulations.
We have developed a Privacy Policy that adopts and observes appropriate standards for personal data protection. While our Privacy Policy sets out the general principles governing the collection, use, and disclosure of our users’ personal information, our Privacy Commitment seeks to inform you more about TV5’s privacy practices.
Why do we collect your personal information (as applicable)?
We may collect and maintain basic information about you as site user of TV5 sites for the following purposes:
Where do we get your personal information?
There are several ways we collect your personal information.
Information that you personally provided.
Most of the personal information we have are those that you have provided us when you:
Information we collect during your engagement with us
We also collect information as you use our products and services, like:
Information we collect from other sources
Other means of collection of information may be through:
When do we disclose personal information?
There may be instances when we are required to share the information you provided us. In such cases, we ensure that your personal information will be disclosed on a confidential manner, through secure channels and in compliance with the Data Privacy Act and other privacy laws.
We will never share, rent, or sell your personal information to third parties outside of TV5 except in special cases where you have given consent, and in cases described in our privacy policy.
In some instances, we may be required to disclose your personal information to our agents, subsidiaries, affiliates, business partners and other third-party agencies and service providers as part of our regular business operations and for the provision of our programs and services. This means we might share your information with our service providers, contractors, and professional advisers who help us provide our services.
How we protect your personal information
The integrity, confidentiality, and security of your information is important to us. We have implemented technical, organizational, and physical security measures that are designed to protect your information from unauthorized or fraudulent access, alteration, disclosure, misuse, and other unlawful activities.
We also put in effect the following safeguards:
TV5 will not collect, use, or disclose your personal information for any purpose other than the purpose that you may have given your consent for.
What are your choices?
We make sure that we have your consent to continue to collect, use, and disclose your personal information for the purposes that we have identified. We want you to know that you may object or withdraw your consent and/or edit your consent preferences at any time.
If you wish to have access to the personal information in our custody or if you think that the personal information you provided is incomplete, or otherwise inaccurate, you may get in touch with our Data Protection Officer through the contact details provided below. In some instances, we may request for supporting documents or proof before we effect requested changes.
Data Protection Officer
TV5 Network Inc.
Reliance corner Sheridan Streets
Mandaluyong City
tv5dataprivacy@tv5.com.ph
What happens when there are changes in our Policy?
From time to time, we may update our privacy policy and practices to comply with changes in applicable laws and regulatory requirements, adapt to new technologies and protocols, and align with the best practices of the industry.
You will be provided notices if the changes are significant and, if we are required by law, we will obtain your updated consent.