Loading
wanted sa radyo
Habang si sekyung mister ay nasa duty, kay misis may sumasalisi
#WantedSaRadyo | Inireklamo at gustong ipakulong ng sekyung si Orly Balingata ang kanyang misis na si Reylyn dahil sa pakiki-apid nito. Habang nasa trabaho raw kasi si Orly ay abala naman si Reylyn sa kapitbahay nilang si Christian, hanggang sa nabuntis siya nito. Paliwanag ni Reylyn, nagsimula lang naman sa hinala ang relasyon nila ni Christian mula nang manghiram ito sa kanya ng posporo, bagay na nilagyan ng malisya ng pamilya ni Orly. Tuwing nasa malayo at nakaduty si Orly sa trabaho bilang sekyu, tinutulungan at binibigyan daw ng atensyon ni Christian si Reylyn habang may community quarantine. Sinubukang pag-ayusin ni Idol Raffy Tulfo ang mag-asawa, pero humirit si Christian na kung puwede bang siya na ang bahala kay Reylyn. Bukod dito, tatanggapin din daw niya ang mga anak ni Orly. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 30, 2020
Beki, gustong makipagbalikan sa kanyang lesbian lover
#WantedSaRadyo | Humingi ng tulong si Joyce kay Idol Raffy Tulfo para magkabalikan sila ng partner niyang lesbian na si Marelou. Kuwento ni Joyce, nakipaghiwalay sa kanya si Marelou dahil may nakilala na raw itong ibang beki na mas maganda sa kanya. 'Di rin daw nagpapadala si Marelou ng sustento para sa anak nila ni Joyce. Sinubukang pagbatiin ni Idol Raffy ang dalawa at nag-offer pa ng makeover para mapaganda si Joyce. Magbago pa kaya ang isip ni Marelou o tuluyan na niyang iiwanan si Joyce? Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 29, 2020
Misis na nagreklamo kay Idol Raffy, pinagtawanan lang ni mister
#WantedSaRadyo | 'Di na natiis ni Emerald ang pambababae ng kanyang mister na si Lito. Anim na ang kanilang anak at kasalukuyang buntis si Emerald, pero nambababae pa rin daw si Lito. Nagka-anak na rin ito sa isa niyang kabit at ipinapakita pa nito umano sa kanilang mga kamag-anak ang ka-video chat niyang babae. Nang pag-usapin ni Idol Raffy Tulfo ang dalawa, natawa lang si Lito sa mga reklamo ni Emerald. Ano kaya ang gagawin ni Idol kung mukhang 'di sinesoryoso ni Lito ang sumbong laban sa kanya? Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 28, 2020
Sekyung walang 13th month pay, tinulungan ni Idol Raffy Tulfo
#WantedSaRadyo | Inireklamo ng sekyu na si Joy Atole ang pinagtatrabahuan niyang agency sa Silang, Cavite dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na 13th month pay. Ginawang mala-5-6 naman ang kanilang cash advance dahil tinutubuan umano ito ng kanilang agency ng P100. Noong nagfollow-up naman si Joy para sa kanyang 13th month pay, sinabihan lang siya na "busy" raw ang kanilang agency. Ano kaya ang gagawin nina Idol Raffy Tulfo at Asec. Benjo Benavidez ng DOLE para sa problema ni Joy? Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 28, 2020
Pamasko sa mga 'di napasuweldong enumerators ng PSA at mga sekyu sa Pasay
#WantedSaRadyo | Masaya ang Pasko para sa mga enumerator sa Philippine Statistics Authority sa Pampanga dahil natanggap na nila ang pinadalang P10,000 at pang Noche Buena ni Idol Raffy Tulfo. Nakuha na rin nila ang inirereklamo nilang suweldo na hindi agad naibigay ng PSA sa kanila. Ganoon din ang grupo ng mga sekyu sa Hyper Gramm Security Agency. Nakuha na nila ang kanilang suweldo at 13th Month Pay. Inaayos na rin ng kanilang agency ang bayad sa kanilang night differential. RELATED STORY: https://bit.ly/37JMgn6 Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 24, 2020
Kasambahay, gustong bawiin ang pustiso na ipinagawa para sa boyfriend na nanloko
#WantedSaRadyo | Labis daw na nasaktan ang kasambahay na si Orfa Abragan sa panloloko sa kanya ng boyfriend niyang si Alvin Reyes. Sumbong ni Orfa, minahal, binihisan at tinulungan niya na makabangon sa buhay si Alvin. Binilhan niya ito ng mga gamit at pinaayos din ang CR ng bahay ni Alvin. Maging ang pagpapapustiso sa kanya ay inako na rin ni Orfa. Pero sa kabila ng lahat ng ito, ipinagpalit siya ni Alvin sa ibang babae. Nais bawiin ni Orfa ang mga naibigay niya kay Alvin, kabilang na ang pustiso, dahil lumakas ang loob umano nito na mambabae at guwapong-guwapo na sa sarili. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 24, 2020
Idol Raffy Tulfo, nanggigil sa isang security agency
#WantedSaRadyo | ' Di napigilan ni Idol Raffy Tulfo na manggigil sa Hyper Gramm Security Agency sa Caloocan City. Reklamo kasi ng mga sekyu nila, wala na nga sa minimum wage ang pinapasahod sa kanila, wala pa silang overtime pay sa pagtatrabaho ng dose oras kada araw. Dagdag pa ng mga sekyu, wala ring ibinibigay na pay slip at night differential ang agency. Wala rin silang benefits gaya ng SSS at Pag-IBIG. Pero ang pinakakinainisan ni Idol Raffy: ang 'di pa rin nila pagbibigay ng 13th month pay kahit magpa-Pasko na. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 23, 2020
"Kasalanan ni Nuezca, 'di kasalanan ng lahat ng pulis"
#WantedSaRadyo | Nanawagan si Idol Raffy Tulfo sa mga Pilipino na huwag sisihin o i-generalize ang lahat ng mga pulis kaugnay sa pamamaril ni P/MSgt. Jonel Nuezca sa mag-inang Gregorio sa Tarlac. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 23, 2020
Pulis na nanloko umano sa OFW niyang fiancé, nag-public apology
#WantedSaRadyo | Nagpublic-apology sa programa ni Idol Raffy Tulfo si P/Cpl. Brasilio Bandong at pinuntahan pa sa bahay ang fiancé niyang si Erna Dela Cruz para suyuin ito. Nauna nang inireklamo ni Erna sa programang #IdolInAction si Brasilio. Nahuli kasi niyang may ibang babae pala si Brasilio, gayong ikakasal na dapat sila ngayong Disyembre 2020. Aabot pa raw sa P3 million ang mga naipadala ni Erna kay Brasilio habang nagtatrabaho siya sa bilang nursing aide sa California. Patawarin pa kaya ni Erna si Brasilio o tuloy ang kaso laban sa pulis na ito? RELATED STORY: https://bit.ly/3mKrWpP Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 22, 2020
Kinamusta at nagpaabot ng tulong si Idol Raffy Tulfo sa pamilya Gregorio
#WantedSaRadyo | Ikinuwento ni tatay Florentino Gregorio kay Idol Raffy Tulfo ang iba pang mga pagbabantang ginawa ni P/SMSgt. Jonel Nuezca sa kanyang asawa na si Sonya at anak na si Frank bago mangyari ang pamamaril sa kanila noong Linggo. Ibinahagi rin ni Mark Christian, isa pang anak ni Sonya, kung paano harass-in at pag-initan ni Nuezca ang kanyang kapatid, maging ang isa pa niyang pamangkin. Nangako naman si Idol Raffy na sasagutin na niya ang pagpapalibing kina Sonya at Frank at sa abogadong mag-aasikaso sa kanilang kaso laban kay Nuezca. RELATED STORY: https://bit.ly/3nGV032 Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 22, 2020
Pulis, namaril ng mag-ina dahil sa init ng ulo?
#WantedSaRadyo | Hinimay ni Idol Raffy Tulfo kasama ng dalawa pang anak ni Sonya Gregorio ang nangyaring pamamaslang ni P/SMSgt. Jonel Nuezca sa kanilang nanay at kapatid na si Frank. Nilinaw din ng pamilya Gregorio ang naging alitan nila kay Nuezca kaugnay sa pinagtatalunang lupa. Sumbong pa nila, minsan na rin unanong sinubukang sagasaan noon ni Nuezca si Frank at ang 12-anyos na apo ni Sonya. Nangako si Idol Raffy na sasagutin niya ang gastusin sa pagpapalibing kina Sonya at Frank. Tutulungan din ni Idol ang pamilya Gregorio para makapagsimulang muli. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 21, 2020
Mag-iina, pinalayas ni mister dahil sa 'di naayos na Christmas lights
#WantedSaRadyo | Sinubukang pag-ayusin ni Idol Raffy ang mag-asawang Sunny at Maridel Ombas. Sumbong ni Maridel, pinalayas siya at ang kanyang mga anak ni Sunny dahil 'di nila naayos at napailawan on time ang kanilang Christmas lights sa bahay. Paliwanag ni Sunny, sila Maridel naman ang lumayas matapos silang mag-away dahil sa Christmas lights. Pero giit ni Maridel, lasenggo at sinasaktan umano siya ni Sunny kaya 'di na niya natiis ang ugali nito, bagay na inamin ni Sunny. Sa katunayan, lango pa siya sa alak habang kausap si Idol Raffy. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 18, 2020
Nakipag-short time si misis kay barangay captain
#WantedSaRadyo | Iniharap ni Marcelo sa programa ni Idol Raffy Tulfo ang misis niyang si Sheryl. Inamin at ikinuwento ni Sheryl on air kung paano siya ginawang kabit ng kanilang kapitan na si Alejo. Matapos umamin sa ere sa ginawang pakiki-apid, umiiyak na nag-makaawa si Sheryl kay Marcelo. Patawarin pa kaya siya ng kanyang mister, o itutuloy nito ang kaso? Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 17, 2020
Pinagtulungan ni mister at ng kabit nito ang anak ni misis
#WantedSaRadyo | Humingi ng tulong ang domestic helper na si Mavelyn kay Idol Raffy Tulfo para ma-rescue ang kanyang mga anak. Sinasaktan umano ng kanyang mister na si Arvie at ng kabit nitong si Gloria ang isa sa kanyang mga anak. Paliwanag nina Arvie at Gloria, dinidisiplina lang nila ito dahil pasaway umano at naninira ng mga gamit. Pero idiniin naman ni Marinita, kapatid ni Arvie, ang ginawang pananakit nila. Siya na mismo ang nagpa-check-up sa kanyang pamangkin at siya rin ang nagsumbong kay Mavelyn sa nangyari. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 17, 2020
Babae, sinisingil ng ex sa lahat ng naibigay sa kanya
#WantedSaRadyo | Isinumbong ni Cherryl Romo ang paniningil umano sa kanya ng ex niyang si Jonie Soneja. Binabawi kasi ni Jonie ang lahat ng naibigay at nagastos niya para kay Cherryl. Kumpleto sa listahan mula sa gulay, manok, pantalon, pang-motel, pagkain, kape, at iba pa ang sinisingil ni Jonie. Kulang na lang daw na pati ang kiss, oras, at pagmamahal ay binabawi sa kanya. Naging utang daw ni Cherryl ang mga ito dahil nakipaghiwalay siya kay Jonie. Paano kaya sosolusyunan ni Idol Raffy ang panibagong "Bigay now, Tulfo later" na kuwentong ito? Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 16, 2020
OFW, niloko umano ng babaeng nakilala niya sa dating site?
#WantedSaRadyo | Inireklamo ng 61-anyos na OFW na si Mario Palisoc ang babaeng nakilala niya sa isang dating site na si Jessica Pinpin.Agad daw silang nagkamabutihan kaya pinadalhan ni Mario si Jessica ng pang-load, pera na aabot sa higit P191,000, balikbayan box, at iba pang mga regalo. Pinag-aral din niya si Jessica ng massage therapy. Pero never daw siya nitong namasahe dahil natuklasan ni Mario na may iba palang karelasyon si Jessica. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 16, 2020
Kasambahay, pinagseselosan ni misis
#WantedSaRadyo | Reklamo ni Erlinda, nagbago bigla ang asawa niyang si Efren simula nang dumating sa buhay nila ang kasambahay na si Pilar. Itinanggi naman ng dalawa ang hinala ni Erlinda, pero iginiit niyang nakita niyang nakasulat ang cellphone number ni Pilar sa wallet ng kanyang asawa. Ayon kay Efren, inimbento lang ito ni Erlinda. Nasa isip nga lang kaya ni Erlinda ang pagtataksil ng kanyang asawa? O kailangan lang niya ng pagsuyo mula kay Efren? Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 15, 2020
Lalaking natalsikan ng lusaw na aluminum sa mga mata, sinaklolohan ni Idol Raffy
#WantedSaRadyo | Humingi ng tulong si tatay Mar Colipano kay Idol Raffy Tulfo para sa anak niyang naaksidente. Natalsikan kasi ng lusaw na aluminum ang dalawang mata ng kanyang 18-anyos na anak na si Mark habang nagtatrabaho bilang helper sa Dasking Metal Trading. Tinutulungan naman daw si Mark ng kanilang kumpanya pero mukhang matitigil ito nang alukin sila ng P50,000 at sinabihang bahala na sila sa pagpapaopera. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 15, 2020
Babae, kinuha ang ATM card ng isang sundalo bilang bayad sa sama ng loob
#WantedSaRadyo | Humingi ng tulong kay Idol Raffy Tulfo ang sundalong si Pvt. Alfredo Ariego para makausap ang ex-girlfriend niyang si Jonna Marie Robles. Iblinock daw siya ni Jonna matapos makuha ang kanyang ATM card noong nagkahiwalay sila. Paliwanag naman ni Jonna, ito ang dapat na ibayad ni Alfredo para sa mga sama ng loob na naramdaman niya sa panloloko sa kanya noong nagsasama pa sila. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 14, 2020
Babae, pinagbantaan umano ng ex niyang lesbian at mga tropa nito
#WantedSaRadyo | Sumbong ni Cecilia Licup, pinagbantaan daw siya ng ex niyang si Liza at ng kaibigan nitong si Maritess. Itinanggi naman ito ng dalawa, pero may bidyo na pinaghahawakan si Cecilia kaugnay sa reklamo niya. 'Di raw alam ni Cecilia kung bakit nagagalit sa kanya ang dalawa gayong 18 years naman daw sila nagmahalan noon ni Liza. Ano kaya ang payo sa kanila ni Idol Raffy? Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 11, 2020
PART 2: Maagang pamasko ni Idol Raffy sa isang matandang vendor
#WantedSaRadyo | Binalikan ni Idol Raffy Tulfo si tatay Armando, ang matandang stroke survivor na nag-viral kamakailan sa pagtitinda ng basahan sa palengke ng Pasig City. Nahanapan na ng staff ni Idol Raffy ng bagong bahay na malilipatan si tatay Armando kung saan itatayo rin ang hiling niyang sari-sari store. Inaayos naman ang ospital na pagdadalhan sa kanya para makapagpa-check-up at physical therapy. RELATED STORY: https://bit.ly/3oDW7QZ Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 10, 2020
Matapang na kabit, handang samahan si mister sa kulungan
#WantedSaRadyo | Inireklamo ni Evangeline Pascual ang mister niyang si Mario at ang kinakasama nito ngayong si Cristy Bonifacio. Kuwento ni Evangeline, si Cristy pa ang matapang sa tuwing iginigiit niya ang kanyang karapatan. Maging si Sharee Roman, co-host ni Idol Raffy, nabungangaan ni Cristy habang ipinapaliwanag ang kanyang panig. Hiniling ni Evangeline na ipahuli ang mister niya at ang kabit nito. Pero ang sagot ng dalawa, willing daw si Cristy at Mario na makulong dahil sa kanilang pagmamahalan. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 10, 2020
Resulta ng lie detector test ng vlogger na si Keith Talens at Mang Jun
#WantedSaRadyo | Ibinahagi ni Idol Raffy Tulfo ang resulta ng lie detector test ng vlogger na si Keith Talens at ng dati niyang driver na si Mang Jun. Matatandaang inireklamo nila ang isa't isa sa Wanted sa Radyo noong Pebrero. Nasangkot sila sa iba't ibang isyu kasama na ang pambubugbog ni Mang Jun sa sekyu sa subdivision na tinitirhan ni Keith. Pero bukod sa resulta ng lie detector test, naglabas ng warrant of arrest ang korte para kay Mang Jun kaugnay sa reklamong libel na isinampa noon ni Keith laban sa kanya. RELATED STORY: https://bit.ly/36ZnoaQ https://bit.ly/3m3DYdI Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 9, 2020
Maagang pamasko ni Idol Raffy sa isang matandang vendor
#WantedSaRadyo | Ipinahanap ni Idol Raffy Tulfo sa kanyang staff ang 60-anyos na stroke survivor na si tatay Armando Marcelo para mabigyan ng maagang Pamasko. Nag-viral kamakailan ang isang video kung saan kita si tatay Armando na naglalako ng mga basahan sa palengke ng Pasig City. Nagtitinda siya para may pambili siya ng kanyang mga gamot. Dito rin niya kinukuha ang pandagdag sa kanyang mga gastusin. Wala siyang asawa't anak at nakikitira ngayon sa kanyang pamangkin. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 8, 2020
Babae, pinagbantaan at hina-harass umano ng fiancé ng naka-chat niyang Briton
#WantedSaRadyo | Humingi ng tulong si Melody Mendez kay Idol Raffy Tulfo dahil sa pananakot at panghaharass sa kanya umano ni Fritzie Politowicz, fiancé ng nakausap niyang foreigner. Matapos daw maka-chat ni Melody si Mark Politowicz, pinagbantaan na siya sa text ni Fritzie. Nakapagpadala pa raw kasi ng pera si Mark kay Melody at hindi sinabi na may karelasyon na siya, ayon kay Fritzie. Dagdag pa ni Melody, ilang araw siyang hindi makatulog dahil may mga umaaligid sa kanilang barangay na may dalang full body picture niya at hinahanap kung saan siya nakatira. Nag-public apology naman si Fritzie sa mga sinabi niya sa text. Pero itinanggi niya na may kinalaman siya sa mga umaaligid kina Melody. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 7, 2020
Napagbintangang magnanakaw dahil sinabi ng manghuhula?
#WantedSaRadyo | Inireklamo ni Jerald Otero ang paninira sa kanya ni Juanito Saladan. Pinagbintangan si Jereld na magnanakaw ni Juanito dahil ito raw ang sabi sa kanya ng nilapitan niyang manghuhula. Nagkaharap na raw sila dati sa barangay para ayusin ang reklamo ni Jerald. Pero sa halip daw na maging sinsero na humingi ng tawad ay pinagtawanan lang siya ni Juanito. Sa tulong ni Idol Raffy Tulfo, nag-public apology si Juanito sa programang #WantedSaRadyo para malinis ang pangalan ni Jerald. Bumuwelta naman si Idol Raffy sa mga netizen na nagsabing "bakit pa raw pinatulan pa ito ng programa ni Idol, eh maliit lang daw ang isyu na ito?" Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 7, 2020
OFW, iniwan matapos perahan umano ng girlfriend?
#WantedSaRadyo | Humingi ng tulong ang dating OFW sa Japan na si Conrado Patacsil Jr. para mabawi ang mga ibinigay niyang pera at cellphone sa fiancé niyang si Jenie Montajes. 'Di na raw nagparamdam sa kanya si Jenie pagkatapos nitong magpabili ng bagong cellphone, umutang ng pera, at pumili ng engagement ring. Paliwanag ni Jenie, 'di maganda ang ugali at medyo bastos daw si Conrado kaya niya ito iniwan. Ayaw ring ibalik ni Jenie ang cellphone dahil may nangyari na raw sa kanila ni Conrado. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 3, 2020
Babaeng nagkamali ng bintang, nasampal sa isang viral video
#WantedSaRadyo | Inirereklamo ni Gina Tampus ang pananampal sa kanya ni Joy Arai. Sa isang viral video, sinampal ni Joy si Gina habang nagpa-public apology ito sa isang barangay hall sa Lapu-Lapu City, Cebu. Pinagbintangan kasi ni Gina na kabit si Joy ng kanyang asawa, at ikinomento ang isyung ito sa livestream ng online selling ni Joy. Huli na nang nalaman ni Gina na hindi naman pala kabit ng kanyang asawa si Joy kaya humihingi siya ng tawad. Pero napahiya at naapektuhan na raw ang negosyo at pamilya ni Joy sa maling bintang kaya nasampal niya si Gina. Giit naman ni Gina, napahiya rin siya at kanyang mga anak sa pagkalat ng video kaya naisipan niyang ilapit ito kay Idol Raffy Tulfo. Sino nga ba ang tunay na agrabiyado sa pagitan nina Gina at Joy? Magkapatawaran pa kaya sila o magkaka-demandahan na lang sa huli? Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 3, 2020
Tips ni Idol Raffy sa mga modus ngayong Pasko
#Relasyon | May payo si Idol Raffy Tulfo para manatiling ligtas tayo sa mga modus, magnananakaw at mapagsamantala ngayong panahon ng Pasko.Ibinahagi rin ni Idol Raffy ang personal niyang karanasan nang minsang may nagtangakang magnakaw sa kanyang bahay. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 3, 2020
Babaeng nabuntis ni kapitan, 'di pinanagutan nang 16 na taon
#WantedSaRadyo | Humingi ng tulong si nanay Menchie at ang anak niyang si alyas "Kevin" para makausap ang tatay nitong si Reynan Leona, isang barangay captain sa Leyte. Matapos daw mabuntis ni Reynan si Menchie noong 2004 ay iniwan niya na ito. Hindi umano nagparamdam at 'di rin nagbigay ng suporta si Reynan para kay Kevin sa loob ng 16 na taon. Inamin naman ni Reynan na anak niya nga si Kevin pero hirit niya, 'wag naman masyadong agresibo sina Menchie at Kevin sa paghabol sa kanya. May kinakasama na kasi siya ngayon sa Leyte. Binanatan din ni Reynan ang kapatid niyang si Liza na tumawag sa programa ni Idol. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 2, 2020
Lalaki, madalas saktan ng bago niyang kinakasama?
#WantedSaRadyo | Inilapit ni Kristine Maravilla kay Idol Raffy Tulfo ang pananakit ng kanyang madrasta na si Juwena Dela Peña sa kanyang tatay Anthony. 'Di na raw matiis ni Kristine ang ginagawa ni Juwena dahil naaawa na siya sa kanyang tatay. Wala naman daw siyang magawa para ipagtanggol ito dahil mas malakas si Juwena sa kanya at matanda na ang kanyang tatay. Dati raw nilang kasambahay si Juwena na nabuntis ng kanyang ama. Ayaw naman ni Juwena na makipaghiwalay kay tatay Anthony. Katuwiran niya kay Idol Raffy, kinukulit at binabalikan din naman siya ni Anthony tuwing maghihiwalay sila. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 1, 2020
Paghahabol ng sustento mula sa amang nasa ibang bansa
#Relasyon | Maaari bang sampahan ng kasong VAWC ang isang tatay na hindi nagbibigay ng suporta sa anak, pero nasa ibang bansa kung saan walang hurisdiksyon ang Pilipinas? Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 1, 2020
Kailan ginagamit ang 'res ipsa loquitur' sa korte?
#Relasyon | Ipinaliwanag ni Atty. Weng Soriano kung kailan ginagamit sa korte ang konsepto ng "res ipsa loquitur," o ang mga katagang "the thing speaks for itself" sa Ingles. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: December 1, 2020
Tindera ng barbeque, pinagbibintangan ng isang ginang na kabit ng mister niya
#WantedSaRadyo | Humingi ng tulong si Divina Agustin kay Idol Raffy Tulfo dahil pinagbibintangan siya ni Marissa Aquino na kabit daw ng mister nito. Pinaparinggan daw kahit sa kalsada ni Marissa si Divina. Isinisigaw daw ni Marissa na kabit si Divina ng kanyang mister na si Cipriano, bagay na mariing pinabulaanan ni Divina. Nagtitinda lang daw siya ng barbeque at nagkataong bumili sa tindahan niya ang mga katrabaho ni Cipriano. Hinanakit ni Marissa, nanlalamig na sa kanya ang mister at kinokontak umano si Divina. Paliwanag naman ni Cipriano, hiningi lang niya noon ang number ni Divina para sa negosyo pero 'di niya naman ito nakausap. Dagdag pa ni Cipriano, paano siya mambababae kung 'di naman na siya ginaganahan dahil matanda na siya? Ito rin ang dahilan niya kung bakit nanlalamig na rin umano ang kanilang buhay mag-asawa. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: November 30, 2020
Sumakit ang ulo ni Idol Raffy sa away ng magkapatid na OFW
#WantedSaRadyo | Sumakit ang ulo, batok, at dibdib ni Idol Raffy Tulfo habang umaawat sa bangayan ng magkapatid na sina Rizajhu at Samantha na parehong OFW sa Saudi Arabia. Nagkagalit sila simula nang sinuway ni Rizajhu ang payo ng kanyang ate Samantha na hiwalayan na niya ang kanyang naging boyfriend sa Riyadh. Tumindi pa ang kanilang hidwaan dahil sa mga paninira umano nila sa isa't isa sa social media. Tumulong na rin kay Idol Raffy ang ate nila na si Charlotte na isa ring OFW sa Saudi, pero tila ayaw magpaawat ng dalawa. Mapagkasundo pa kaya sila ni Idol Raffy? Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: November 30, 2020
Epekto ng pagbabago ng pirma
#Relasyon | Mawawalang bisa ba ang inyong mga ligal na dokumento kung magbago kayo ng pirma? May payo si Atty. Mel Sta. Maria sa mga ganitong problema sakaling magdesisyon kayo na bahugin niyo ang inyong pirma. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: November 27, 2020
Mapanganib na mga open drainage sa Mandaue City, inaksyunan ni Idol Raffy
#WantedSaRadyo | Inilapit ng mga residente ng Sitio Sto. Niño sa Barangay Jagobiao, Mandaue City kay Idol Raffy Tulfo ang mga nakatiwangwang na open drainage sa kanilang lugar. Pangamba ng mga residente, baka may maaksidente pa ulit sa kanila kung 'di ito agad na maaaksyunan. Minsan na kasing may nahulog na estudyante rito. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: November 27, 2020
Idol Raffy, may paalala sa mga OFW pagdating sa isyu ng 'bigay now, Tulfo later' sa mga karelasyon
#WantedSaRadyo | Humingi ng tulong kay Idol Raffy Tulfo si Jessa Mirabueno, isang OFW sa Oman, para mabawi ang mga naibigay niyang pera sa live-in partner niya nang 10 taon na si Wilberto Atienza. Nalaman kasi ni Jessa na nagpakasal na pala sa ibang babae si Winston noong November 22. Paliwanag ni Wilberto, madalas daw kasi siyang sinusumbatan ni Jessa sa mga ipinapadalang pera sa kanya bilang allowance. Tinitiis din daw siya ni Jessa na i-block sa social media nang ilang araw at linggo tuwing nag-aaway sila. Nangako naman si Wilberto at ang napangasawa niyang si Deleca na isasauli na lang nila ang mga naipadalang pera ni Jessa. Sa huli, nagpaalala si Idol Raffy sa mga OFW na 'wag ugaliin ang tinatawag nilang "bigay now, Tulfo later" pagdating sa usapin ng pera at relasyon. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: November 26, 2020
Halos 100 na OFW, nabiktima umano ng networking scam
#WantedSaRadyo | Halos 100 katao, karamihan ay mga OFW, ang nagrereklamong niloko umano sila sa tila networking scam ni Jovie Capili Rusell. Sumbong ng mga OFW at iba pa, kapalit daw ng ilan libong membership fee nila at pag-recruit ng account holders sa kumpanya ni Jovie ay mga produktong 'di nila maibenta. Wala raw nutrition facts ang mga ito at ang iba naman ay malapit nang mag-expire. Ang ibang members naman daw, wala ni isang produktong natanggap. Marami rin sa kanila ang kulang o kaya naman ay walang natanggap na payout. Nabisto naman ni Idol Raffy Tulfo na 'di kumpleto ang mga dokumentong hawak ni Jovie para sa kanyang itinayong kumpanya. Ayon sa DTI, registration lang ang kinuha sa kanila nito. Nilinaw din ni Naga City Mayor Nelson Legacion na ang permit lamang para maging retailer ang in-apply ni Jovie sa BPLO ng lungsod. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: November 26, 2020
Perwisyong ulingan, ipinapasara ni Idol Raffy Tulfo
#WantedSaRadyo | Inireklamo ng mga residente sa Barangay Quezon, San Carlos City, Pangasinan ang isang ulingan sa kanilang lugar na nagbubuga ng mabahong usok at nakakaperwisyo sa kanilang kalusugan at mga bahay. Ilang beses na raw inireklamo ng mga residente ang ulingan sa loob ng nakaraang tatlong taon, pero patuloy pa rin ang operasyon nito. Giit ni Renato Castro, ang may-ari ng ulingan, may hawak siyang permit mula sa DENR. Taliwas ito sa sinasabi ng barangay at city hall na wala siyang permit at sadyang matigas ang ulo sa pagsuway sa kanila. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: November 25, 2020
Rider, nabalian ng buto matapos maaksidente sa trabaho
#WantedSaRadyo | Inireklamo ni Rollie Halichic, isang delivery rider, ang mabagal na pag-usad ng reimbursement sa mga nagastos at inabono niya sa pagpapagamot, pati na rin ang kanyang accident insurance claim. Nabalian kasi ng buto sa paa si Rollie matapos maaksidente habang nasa trabaho. Agad namang kinausap ni Idol Raffy Tulfo ang pinagtatrabahuan ni Rollie at ang agency na nag-aasikaso ng kanyang kaso para mapadali ang pag-aksyon sa mga pangangailangan ni Rollie. Sumaklolo rin si Ruby Fajardo mula sa Employees' Compensation Commission ng CALABARZON para makapagbigay ng tulong pinansyal at libreng rehabilitation at physical therapy para kay Rollie. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: November 25, 2020
Aspiring models, inireklamo ang pambabastos umano sa kanila ng isang photographer
#WantedSaRadyo | Inireklamo nina Sahara Manatiga at Juliet Mendoza ang pambabastos umano sa kanila ng photographer na si Alberto Reyes. Sumbong nila, sa magkahiwalay na pagkakataon daw ay hinipuan at nahubaran sila ni Alberto sa session ng kanilang ex deal na photoshoot. Ilang beses na sinubukang tawagan ng staff ni Idol Raffy Tulfo si Alberto pero tinatabla sila nito. Nagdadahilan pa na busy daw siya sa paglalaro ng Mobile Legends kaya 'di niya masagot ang mga paratang sa kanya. Nanawagan naman sina Sahara at Juliet, at maging si Idol Raffy sa iba pang mga babae na posibleng naging biktima umano sa pambabastos ni Alberto para magsalita at magreklamo. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: November 24, 2020
Babae, iniwan ng kinakasamang bumbero para sa kasamahang rescuer
#WantedSaRadyo | Inireklamo ni Johoney Flores ang pakikiapid ng kanyang kinakasamang bumbero na si FO1 Glen Franco Paumig sa kasamahan nitong babae na rescuer. Bukod dito, natuklasan pa raw ni Johoney ang malaswang bidyo ni Glen kasama ang bagong girlfriend. Depensa ni Glen, hiwalay na sila ni Johoney at napag-usapan na nila ang kanilang set-up. 'Di na raw niya mahal si Johoney, pero 'di niya tatalikuran ang pagsusustento sa dalawang anak nila. Buwelta pa ni Glen at ng bago nitong girlfriend, binantaan umano sila ni Johoney na ipapahiya sila. Si Johoney rin ang nagpapakalat umano ng kanilang bidyo, bagay na posible niyang harapin sa korte sakaling mapatuyang siya nga ang nagpakalat nito. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: November 24, 2020
Dating audioman ng TV5, tinulungan ni Idol Raffy Tulfo
#WantedSaRadyo | Inilapit ni Rodel Natividad, dating audioman sa TV5, ang iniinda niyang sakit sa mata, bukol sa likod, diabetes at cellulitis sa paa sa programa ni Idol Raffy Tulfo. Hindi na nakapagtrabaho si Rodel at ang kanyang asawa simula nang magkasakit siya kasunod ng pagkakatanggal sa kanya sa trabaho. Agad namang sumaklolo si Idol Raffy at nangakong ipapacheck-up si Rodel at ibibili ng mga gamot. Bibigyan din ni Idol Raffy si Rodel ng tulong pinansyal at kabuhayan para makapagsimulang muli ngayong may pandemya. Tutulong din si Idol Raffy para makalipat na ng ibang bahay ang pamilya ni Rodel. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: November 23, 2020
Lola ni Jake Zyrus a.k.a. Charice, pinabayaan umano ni Raquel Pempengco?
#WantedSaRadyo | Humingi ng tulong si Lola Tess Pineda, ang lola ni Jake Zyrus, para makapagpa-check-up at makapaghanap-buhay para makatulong sa kumukupkop sa kanya. Pinalayas daw kasi at binato pa raw siya ng bote na may yelo sa bahay ng nanay ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco. Sumbong pa ni lola Tess, sa garahe rin daw siya pinapatulog. Pero, itinanggi ang lahat ng ito ni Raquel. Paliwanag niya, madalas daw na lumalayas si lola Tess at bumabalik daw kapag may kailangan sa kanya. Sinubukan namang pagkasunduin ni Idol Raffy sina Lola Tess at Raquel, pero tanggapin pa kaya ng mag-ina ang isa't isa? Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: November 23, 2020
Misis na nakiapid, nag-public apology sa programa ni Idol Raffy
#WantedSaRadyo | Paulit-ulit na nagpublic-apology si Jean Paculanang sa programa ni Idol Raffy Tulfo para patawarin siya ng asawang si Jamen. Inireklamo ni Jamen ang pakikiapid ni Jean lalo pa't ikatlong beses na raw na nangyari. Nakakuha pa si Jamen ng ebidensya sa pagtataksil ni Jean, kabilang ang bidyo kung saan nakikipagsayaw si Jean sa ex niya sa isang bar. Ipinaliwanag nina Idol Raffy at ACT-CIS Partylist Chief of Staff Atty. Garreth Tungol sa dalawa ang mga pwedeng mangyari sakaling ituloy ni Jamen ang paghahabla sa asawa. Patawarin pa kaya siya ni Jamen? Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: November 20, 2020
Ikakasal na babae, last minute na iniwan ng nobyo
#WantedSaRadyo | Inireklamo ni Mary Grace ang pag-atras ng kaniyang fiance na si Lendo Romero sa kanilang kasal dahil umano sa ibang babae. Nakatakda sana ang kasal nila bukas, November 20, kasabay ng birthday ni Mary Grace. Paliwanag ni Lendo kay Idol Raffy Tulfo, nasasakal daw siya sa pagiging selosa ng fiancee. Pero ayon kay Mary Grace, nakikipag-ugnayan pa kasi si Lendo sa kanyang ex-girlfriend at sa iba pa umanong babae. Natuklasan din daw ni Mary Grace na may nililigawan din si Lendo sa ibang branch ng supermarket kung saan sila dating magkasama sa trabaho. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: November 19, 2020
'The customer is always right,' no more?
#WantedSaRadyo | Ipinaliwanag ni Idol Raffy kung bakit niya nasabi na paso na at 'di na applicable ngayon ang kasabihang "the customer is always right." Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: November 18, 2020
OFW, idiniin ng kanyang kapatid sa pakikiapid sa ibang bansa
#WantedSaRadyo | Humingi ng tulong si Rosilla Nacion kay Idol Raffy Tulfo para ipa-deport ang kapatid niyang si Roline, isang OFW sa Oman. Inireklamo ni Rosilla ang pagkakaroon daw ni Roline ng mga malalaswang litrato kasama umano ang kanyang kabit, bagay na itinaggi ni Roline. Napag-alaman naman ng staff ni Idol Raffy na ayaw naman daw magreklamo ng asawa ni Roline na si Pepito. Pero iginigiit ni Rosilla na ihabla o ipa-deport si Roline dahil daw sa kahihiyang idinulot niya sa kanilang pamilya. Tanong ngayon ni Idol Raffy at ng mga netizen, bakit nanggigigil si Rosilla na idiin ang kanyng kapatid? Mayroon kaya silang mas malalim pang hidwaan? Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: November 18, 2020
Babaeng nagpa-rebond, nalagas ang buhok
#WantedSaRadyo | Nalagas ang buhok at nagkasugat pa raw ang anit ni Keezia Nañez matapos siyang magpa-rebond sa hairdresser na si Lemuel Laroga. Desidido raw si Keezia na kasuhan si Lemuel dahil bukod sa damage na nangyari sa kanyang buhok, sinisi pa raw siya nito at nagmamalaki pa. 'Di rin daw agad na humihingi ng tawad sa kanya si Lemuel. Kumonsulta naman si Idol Raffy Tulfo sa dermatologist na si Dr. Grace Carole Beltran ng St. Luke's Medical Center, at sinabing posible raw na nagkaranas si Keezia ng chemical burn. Nangako rin si Idol Raffy na sasagutin na niya ang pagpapacheck-up at pagpapagamot kay Keezia. Patawarin pa kaya ni Keezia si Lemuel sa tulong ni Idol Raffy o kakasuhan niya pa rin kaya si Lemuel? Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Website: news5.com.ph
Watch Now
Published On: November 17, 2020
Load More
More From News5
Bilang ng mga kaso ng tigdas sa US, umabot na sa mahigit 600
Umabot na sa mahigit 600 ang bilang ng mga kaso ng tigdas sa Estados Unidos ngayong taon—halos doble kumpara noong 2024. Pinakamarami ang naitala sa Texas, kung saan dalawang bata na hindi nabakunahan ang namatay. #News5
Watch Now
Published On: April 7, 2025
Ibon na may kakaibang pangalan na Taeng Baboy
Alam niyo ba na may isang klase ng ibon sa Pilipinas na kung tawagin ay Taeng Baboy? Opisyal itong nadokumento noon pang 1760 at matatagpuan sa iba't ibang probinsya. Pero saan nga ba nanggaling ang pangalan na Taeng Baboy? #News5
Watch Now
Published On: April 4, 2025
Eksperto, nagbabalang ngayon na ang huling dekada para masagip ang Arctic Ice
Ayon sa National Snow and Ice Data Center o NSIDC, naitala ngayong taon ang pinakamababang maximum extent ng Arctic sea ice sa loob ng halos limang dekada. Ayon sa mga eksperto, ang patuloy na pagkatunaw ng yelo ay maaaring magdulot ng mas madalas na heat waves, tagtuyot, at pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng mundo. "I don't feel a lot of hope. This is our really our last decade for action,” ayon kay Senior Scientist Julienne Stroeve. #News5
Watch Now
Published On: March 29, 2025
Magnitude 7.7 na lindol, yumanig sa Myanmar; ramdam hanggang Thailand
Isang magnitude 7.7 na #lindol ang tumama sa central #Myanmar nitong Biyernes, March 28. Naramdaman din it sa #Thailand; sa #Bangkok, isang itinatayong high-rise building ang bumagsak. Patuloy ang rescue operations upang matukoy ang lawak ng pinsala. #News5
Watch Now
Published On: March 28, 2025
Mga negosyo na nag-e-empower ng kababaihan, tampok sa isang bazaar para sa Women's Month
Iba't ibang negosyo na kaagapay ng kababaihan ang tampok sa isang bazaar na ginanap sa isang mall sa Quezon City ngayong #WomensMonth. Maikita sa #HERitageMarket ang samu't saring handmade crafts, specialty food, at cultural items. #News5 | Cyte Lizardo
Watch Now
Published On: March 24, 2025
MUPH candidates, ibinahagi ang personal na karanasan sa likod ng kanilang advocacy
Hindi lang ganda at talino ang dala ng Miss Universe Philippines #MUPH candidate dahil bitbit din nila ang kani-kanilang kwento ng inspirasyon. Ibinahagi nila ang mga personal na karanasang nagtulak sa kanila upang ipaglaban ang kanilang advocacy at maging boses para sa mga taong dinaranas ang parehong sitwasyon. #News5 Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
Watch Now
Published On: March 14, 2025
Miss Universe Philippines candidates, may reaksyon sa isyu ng inclusivity sa Women’s Month
Nagbahagi ng opinyon ang ilang kandidata ng #MissUniversePhilippines tungkol sa mainit na diskusyon ng inclusivity sa pagdiriwang ng #InternationalWomensMonth. Isinagawa ang media day ng Miss Universe Philippines nitong Biyernes, March 14. #News5 Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
Watch Now
Published On: March 14, 2025
Hong Kong Police, bantay-sarado sa tinutuluyang hotel ni dating pangulo Rodrigo Duterte
Mahigpit na binabantayan ng mga pulis sa Hong Kong ang tinutuluyang hotel ni dating pangulo #RodrigoDuterte sa gitna ng mga usap-usapan na inilabas na ng International Criminal Court #ICC ang arrest warrant para sa kanya. #News5
Watch Now
Published On: March 10, 2025
Dalawang babaeng turista, ginahasa ng mga armadong lalaki sa India
Dalawang babaeng turista ang ginahasa ng tatlong armadong lalaki sa Karnataka, #India. Tinulak naman sa ilog ang tatlong lalaking turista na kasama ng mga biktima, kabilang ang isang nasawi. #News5
Watch Now
Published On: March 10, 2025
Libu-libong kababaihan, nag-rally sa iba’t ibang bansa laban sa karahasan at diskriminasyon
Libu-libong kababaihan sa #Mexico, #Argentina, at #Peru ang lumahok sa mga rally kasabay ng #InternationalWomensDay nitong March 8. Ipinanawagan nila ang hustisya para sa mga biktima ng #femicide at ang patuloy na laban para sa #genderequality. #News5
Watch Now
Published On: March 9, 2025
Top Stories
Cardinals enter Sistine Chapel for secret conclave to elect new pope
By Crispian Balmer, Joshua McElwee and Philip Pullella (May 7, 2025, REUTERS) — Catholic cardinals who will choose the next pope filed into the S
Watch Now
Published On: May 7, 2025
India strikes Pakistan over tourist killings, Pakistan says Indian jets downed
By Asif Shahzad and Shivam Patel (May 7, 2025, REUTERS) – India attacked Pakistan and Pakistani Kashmir on Wednesday and Pakistan said it had
Watch Now
Published On: May 7, 2025
Gaza hunger crisis ripples across health sector as Israeli blockade endures
By Nidal al-Mughrabi, Olivia Le Poidevin and Hatem Khaled (May 7, 2025, REUTERS) – Palestinian baby Jenan Alskafi died in Gaza on Saturday af
Watch Now
Published On: May 7, 2025
MediaQuest’s ‘Bilang Pilipino’ sets the standard for 2025 midterm election coverage
(May 7, 2025) — MediaQuest is set to deliver the most comprehensive and in-depth coverage of the 2025 Philippine midterm elections with “Bi
Watch Now
Published On: May 7, 2025
Vatican conclave to pick new pope, world waits for white smoke
By Crispian Balmer, Joshua McElwee and Philip Pullella (May 7, 2025, REUTERS) — Roman Catholic cardinals will begin the task on Wednesday of elec
Watch Now
Published On: May 7, 2025
NNIC audits security bollards at NAIA, redesign drop-off areas at Terminals 1 and 2
(May 6, 2025) – The New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) announced that it is conducting an audit of all security bollards at the Ninoy
Watch Now
Published On: May 7, 2025