(SPECIAL REPORT) – Tumatak sa mga botante ang plano ni Sen. Alan Cayetano na bibigyan ng P10,000 ayuda ang bawat pamilya kapag nakabalik siya sa Senado. Ngayong nangyari na ito, may posibilidad nga ba na matupad niya ang kanyang sinabi, lalo ngayon na tumataas ang mga presyo ng bilihin?
By Emmylou Olaybar
(July 6, 2022) – Naging laman ng mga biro sa comment sections sa social media si Sen. Alan Peter Cayetano dahil sa kanyang sinambit na mabibigyan ang bawat pamilya ng P10,000 ayuda kapag nakabalik siya sa Senado.
Marami na ang naka-move on sa resulta ng eleksyon pero tila hindi pa rin maka-move on ang iba sa sinabi ni Cayetano noong kampanya.
Kaya ang tanong ngayon ng karamihan: May posibilidad pa nga bang matupad ito o taktika lang ito ni Cayetano para manalo sa halalan? Nagtapos ang beteranong mambabatas sa ikapitong puwesto sa senatorial race matapos makakuha ng mahigit 19 milyon na boto.
Bilang mga miyembro ng 18th Congress, inihain ni Cayetano at ng kanyang asawang si Taguig Mayor Lani Cayetano ang 10K Ayuda Bill noong Pebrero 2021. Layon nitong ipanawagan ang paglikha ng isang financial aid program na magbibigay ng P10,000 one-time cash aid sa bawat pamilya o P1,500 kada indibidwal.
Puwede rin daw itong magsilbing puhunan sa mga nais magsimula ng maliit na negosyo o muling buhayin ang mga nagsara dulot ng mga lockdown na ipinatupad sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Gayunpaman, hindi naipasa ang P10K Ayuda Bill sa Kongreso.
‘Tumulong na lang kayo’
Sa pagbabalik sa mataas na kapulungan ng Kongreso, iginiit ni Cayetano nitong Hunyo na agad niyang ihahain ang 10K Ayuda Bill pati ang iba pa niyang priority bills para makatulong sa mga kababayan.
Ito ang kanyang tugon sa mga bumabatikos at naghahanap sa kanyang sinabing P10,000 ayuda para sa bawat pamilya. Paglilinaw niya, kailangan pa ng aksyon ng Kongreso at ng administrasyon ni President Bongbong Marcos, Jr. bago ito maipatupad.
Sinabihan din niya ang mga kritiko na “tumulong na lang” upang mas makabangon ang bansa sa pandemya.
Ilang beses namahagi ang pamahalaan ng tulong pinansyal sa mahihirap na naapektuhan ng pandemya sa pamamagitan ng mga batas na Bayanihan I at Bayanihan II. Sa kasagsagan ng mga lockdown, nakatanggap ang mga kuwalipikadong pamilya ng P5,000 hanggang P8,000 cash aid mula sa gobyerno.
Pero marami ang nagsabi na hindi sapat ang mga ito para makaraos, lalo’t maraming trabaho ang naapektuhan.
Sa ilalim naman ng panukalang Bayanihan III, inirerekomenda ang pagbibigay sa bawat Pilipino ng dalawang round ng ayuda na nagkakahalaga ng P1,000. Hindi sumang-ayon dito si Cayetano at itinutulak na gawin itong P10,000 kada pamilya.
“May consensus naman talaga ang buong Pilipinas na kailangan ng P10K ayuda ng mga Pilipino at ito’y mabuti sa ekonomiya at ito ay mabuti sa pamilya,” ani Cayetano sa isang pahayag.
Bagaman hindi pumasa ang nauna nilang panukala, inilunsad ni Cayetano ang programang Sampung Libong Pag-asa noong Mayo 2021 kung saan binigyan ng P10,000 cash aid ang mga piling pamilya sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Galing daw sa sariling bulsa ni Cayetano ang pondo para sa programa, kasama na rin ang mga donasyon ng kanyang mga kaalyado sa Kamara, mga kaibigan, at mga business owner.
Lulusot sa Kongreso?
Para kay Atty. Michael Yusingco ng Ateneo School of Government, kailangan ng proponent para tugunan ang mga hamon sa pagsasabatas ng 10K Ayuda Bill at makakuha ito ng suporta mula sa publiko.
Umaasa si Cayetano na ang mga bagong mambabatas ng kanyang hometown na Taguig na sina Rep. Ricardo Cruz Jr. at Rep. Maria Amparo Zamora ay makapaghahain din ng counterpart bill sa Kamara.
Pagdating sa Senado, wala pang malinaw na kaalyado si Cayetano para mas maisulong ang P10K Ayuda Bill. Si Sen. Joel Villanueva, na nakasama niya sa isang campaign advertisement, ang nagpahayag pa lamang ng suporta. Binanggit na rin ni Cayetano na payag siyang sumali sa mayorya ng Senado kung ibibigay sa kanya ang Blue Ribbon Committee.
Kung pumasa man ang panukala sa Kongreso, kailangan pa itong pirmahan muna ni Marcos bago maisabatas. Hindi pa malinaw kung makakaapekto rito ang matagal nang pagtutol ni Cayetano kay Marcos. Naging viral pa ang tapatan nila sa isang vice presidential debate noong 2006, kung saan binanatan ni Cayetano ang anak ng yumaong diktador tungkol sa kanilang ill-gotten wealth.
Gayunpaman, nanawagan si Cayetano sa taumbayan na huwag munang husgahan si Marcos at bigyan ng pagkakataon bilang pangulo.
“He was elected, he is set to be proclaimed, give him a chance, let’s see what he does then let’s judge it later on,” sabi ni Cayetano sa isang press conference noong Mayo.
(PM, KM)
Our Privacy Commitment
TV5 Network Inc. values and respects your privacy. We are committed to safeguarding your personal data in compliance with Republic Act No. 10173 or the Data Privacy Act of 2012 and its implementing rules and regulations.
We have developed a Privacy Policy that adopts and observes appropriate standards for personal data protection. While our Privacy Policy sets out the general principles governing the collection, use, and disclosure of our users’ personal information, our Privacy Commitment seeks to inform you more about TV5’s privacy practices.
Why do we collect your personal information (as applicable)?
We may collect and maintain basic information about you as site user of TV5 sites for the following purposes:
Where do we get your personal information?
There are several ways we collect your personal information.
Information that you personally provided.
Most of the personal information we have are those that you have provided us when you:
Information we collect during your engagement with us
We also collect information as you use our products and services, like:
Information we collect from other sources
Other means of collection of information may be through:
When do we disclose personal information?
There may be instances when we are required to share the information you provided us. In such cases, we ensure that your personal information will be disclosed on a confidential manner, through secure channels and in compliance with the Data Privacy Act and other privacy laws.
We will never share, rent, or sell your personal information to third parties outside of TV5 except in special cases where you have given consent, and in cases described in our privacy policy.
In some instances, we may be required to disclose your personal information to our agents, subsidiaries, affiliates, business partners and other third-party agencies and service providers as part of our regular business operations and for the provision of our programs and services. This means we might share your information with our service providers, contractors, and professional advisers who help us provide our services.
How we protect your personal information
The integrity, confidentiality, and security of your information is important to us. We have implemented technical, organizational, and physical security measures that are designed to protect your information from unauthorized or fraudulent access, alteration, disclosure, misuse, and other unlawful activities.
We also put in effect the following safeguards:
TV5 will not collect, use, or disclose your personal information for any purpose other than the purpose that you may have given your consent for.
What are your choices?
We make sure that we have your consent to continue to collect, use, and disclose your personal information for the purposes that we have identified. We want you to know that you may object or withdraw your consent and/or edit your consent preferences at any time.
If you wish to have access to the personal information in our custody or if you think that the personal information you provided is incomplete, or otherwise inaccurate, you may get in touch with our Data Protection Officer through the contact details provided below. In some instances, we may request for supporting documents or proof before we effect requested changes.
Data Protection Officer
TV5 Network Inc.
Reliance corner Sheridan Streets
Mandaluyong City
tv5dataprivacy@tv5.com.ph
What happens when there are changes in our Policy?
From time to time, we may update our privacy policy and practices to comply with changes in applicable laws and regulatory requirements, adapt to new technologies and protocols, and align with the best practices of the industry.
You will be provided notices if the changes are significant and, if we are required by law, we will obtain your updated consent.