(SPECIAL REPORT) – Naging bukambibig ni Sen. Robin Padilla ang pagbuhay sa usapin ng pederalismo noong panahon ng kampanya. Sa kanyang pananaw, ito ang solusyon sa sistemang korap sa Pilipinas. Ngayong senador na ang dating action star, gaano nga ba kalaki ang tsansa upang maisabatas na ito?
By Anton C. Onato
Hindi na bago ang suhestiyon ng pagpapalit ng porma ng pamamahala sa bansa tungo sa isang federal government. Isa rin ito sa mga pangunahing pangako ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ngunit hindi niya ito natupad.
Noong Pebrero, inamin ni Duterte na kahit desidido siyang ipasa ang pederalismo, hindi pa raw handa ang mga Pilipino sa ganitong pamamahala.
Kasalukuyang umiiral sa Pilipinas ang unitary form of government kung saan sentralisado ang kapangyarihan sa national government. Ang federal form naman ay nagnanais na hatiin ang kapangyarihan mula national government patungo sa maliliit na estado o rehiyon para mas maging organisado ang pagtugon sa mga problema na kinakaharap ng mga ito.
Sa pagpasok ng bagong administrasyon, plano muling buhayin ni Sen. Robin Padilla ang usapin tungkol sa pederalismo. Giit niya, ito ang solusyon upang wakasan na ang talamak na korapsyon sa pamahalaan.
Dagdag niya, naaabuso lang ng mga politiko ang kasalukuyang sistema. Sa ilalim daw ng unitary na pamamahala, ang “central government” lang ang may kapangyarihang magdesisyon sa halos lahat ng polisiya, bagay na hindi siya sang-ayon.
“At huwag na tayong magtuturo pa ng kung sino ang korap kasi ‘yung mismong sistema ang korap. Alam ng mga politiko kung papano magagamit ’yang unitary government na ‘yan para pagsamantalahan ang mga batas na magbibigay sa kanila ng kalayaan na paglaruan ang pera ng bayan,” dagdag ni Padilla na surpresang top vote-getter sa senatorial race matapos makakuha ng 27 milyong boto.
Aniya, sa isang federal system, limitado ang kapangyarihan ng “central government” dahil ang pangunahing magdedesisyon para sa mga nasasakupan ay ang “state governments.” Naka-angkla raw ang lahat ng desisyon ng “state governments” sa kahilingan ng mga tao.
Sa pamamagitan nito, giit ni Padilla, maiiwasan ang burukrasya at iiksi ang tinatawag na money trail.
Mga pangakong napako
Nagdesisyon si Padilla, 52, tumakbo bilang senador dahil pagod na raw siya sa mga napapakong pangako ng mga politiko. Kasama dito ang usapin sa pederalismo.
Binanggit niya sa isang panayam kay Boy Abunda noong Abril na sinuportahan niya ang lahat ng mga pangulong nangako ng federal system, kabilang sina Corazon Aquino, Fidel Ramos, Gloria Macapagal-Arroyo, at Duterte.
Naniniwala si Padilla na kahit ginawa ng mga nakaraang administrasyon ang kanilang makakaya upang baguhin ang porma ng gobyerno, hindi ito naging sapat. Kaya naman ito raw ang nais niyang tutukan sa unang tatlong taon niya bilang senador. Itinalaga na siya bilang chairperson ng Senate committee on constitutional amendments and revision of codes ng 19th Congress.
Ayon sa dating action star, pumasa naman ang panukala ng pederalismo sa Kamara ngunit hindi masyadong nabibigyan ng pansin sa Senado. Upang magawa ito, plano ni Padilla na magkaroon ng isang malawakang information drive upang mas maintindihan ng taumbayan ang pederalismo. Ito raw ang isa sa mga kakulangan kaya hindi naipasa ang panukala sa panahon ni Duterte bukod pa sa krisis dulot ng COVID-19 pandemic.
“Paano maiintindihan ng tao eh English kayo nang English diyan? Para sa akin, sa aking kakayahan, maipapaliwanag ko ang pederalismo sa mga tao at nagagawa ko ngayon na kumakandidato pa lang ako,” sabi ni Padilla. “At noong naipaliwanag ko ito, lahat na ng kumakandidato ngayon, pati presidente, bise presidente, pinag-uusapan nila ang pederalismo. ‘Yung ganoong klase sanang pagkamulat ang mangyari.”
Malabong maipasa
Sa panayam ng News5, sinabi ni Prof. Maria Ela Atienza, political analyst mula sa University of the Philippines, na mahihirapan si Padilla na ipasa ang pederalismo. Ito ay dahil may mga mas kailangang bigyang pansin ang bagong administrasyon kagaya ng national budget at ang COVID-19 recovery plan.
Mas mainam aniya na bigyang pansin muna ni Padilla ang pagtulong sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na kasalukuyang sumasailalim sa isang regional experiment autonomy upang mabigyang tugon ang pangangailangan ng mga tao. Pinirmahan ni Duterte noong 2018 ang batas na lumikha sa BARMM na nilalayong tutukan ang usaping pangkapayapaan sa rehiyon pati na makapagpasa ng mga batas na makatutulong sa kanila.
Inamin ni Padilla na kulang ang kanyang kaalaman sa paggawa ng batas ngunit desidido raw siyang pag-aralan ito.
Dagdag ni Atienza, maaari rin suportahan ni Padilla ang mga panukalang pag-review sa Konstitusyon at sa Local Government Code alinsunod sa pederalismo.
“President Duterte had a super majority in Congress during his time and yet his allies also did not support the draft federal constitution that his consultative committee wrote. Perhaps Robin Padilla’s team can instead focus on further helping BARMM succeed and support the ‘surgical’ amendments,” ani Atienza.
(PM, KM)
Our Privacy Commitment
TV5 Network Inc. values and respects your privacy. We are committed to safeguarding your personal data in compliance with Republic Act No. 10173 or the Data Privacy Act of 2012 and its implementing rules and regulations.
We have developed a Privacy Policy that adopts and observes appropriate standards for personal data protection. While our Privacy Policy sets out the general principles governing the collection, use, and disclosure of our users’ personal information, our Privacy Commitment seeks to inform you more about TV5’s privacy practices.
Why do we collect your personal information (as applicable)?
We may collect and maintain basic information about you as site user of TV5 sites for the following purposes:
Where do we get your personal information?
There are several ways we collect your personal information.
Information that you personally provided.
Most of the personal information we have are those that you have provided us when you:
Information we collect during your engagement with us
We also collect information as you use our products and services, like:
Information we collect from other sources
Other means of collection of information may be through:
When do we disclose personal information?
There may be instances when we are required to share the information you provided us. In such cases, we ensure that your personal information will be disclosed on a confidential manner, through secure channels and in compliance with the Data Privacy Act and other privacy laws.
We will never share, rent, or sell your personal information to third parties outside of TV5 except in special cases where you have given consent, and in cases described in our privacy policy.
In some instances, we may be required to disclose your personal information to our agents, subsidiaries, affiliates, business partners and other third-party agencies and service providers as part of our regular business operations and for the provision of our programs and services. This means we might share your information with our service providers, contractors, and professional advisers who help us provide our services.
How we protect your personal information
The integrity, confidentiality, and security of your information is important to us. We have implemented technical, organizational, and physical security measures that are designed to protect your information from unauthorized or fraudulent access, alteration, disclosure, misuse, and other unlawful activities.
We also put in effect the following safeguards:
TV5 will not collect, use, or disclose your personal information for any purpose other than the purpose that you may have given your consent for.
What are your choices?
We make sure that we have your consent to continue to collect, use, and disclose your personal information for the purposes that we have identified. We want you to know that you may object or withdraw your consent and/or edit your consent preferences at any time.
If you wish to have access to the personal information in our custody or if you think that the personal information you provided is incomplete, or otherwise inaccurate, you may get in touch with our Data Protection Officer through the contact details provided below. In some instances, we may request for supporting documents or proof before we effect requested changes.
Data Protection Officer
TV5 Network Inc.
Reliance corner Sheridan Streets
Mandaluyong City
tv5dataprivacy@tv5.com.ph
What happens when there are changes in our Policy?
From time to time, we may update our privacy policy and practices to comply with changes in applicable laws and regulatory requirements, adapt to new technologies and protocols, and align with the best practices of the industry.
You will be provided notices if the changes are significant and, if we are required by law, we will obtain your updated consent.