Isinalin ito mula sa fact-check ng Rappler.
(December 16, 2022) – Sinabi ng ilang vloggers na umamin si dating Vice President Leni Robredo sa isang panayam sa New York noong Disyembre 7 na wala umanong dayaan noong May 2022 elections kung saan siya natalo laban kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Hindi totoo ang pahayag na ito.
PAHAYAG:
Dalawang videos na naka-upload sa YouTube ang makikitaan ng titulo na nagsasabing umamin umano si Robredo na walang nangyaring dayaan nitong nakalipas na halalan.pa
Pinamagatan ng “NEWS PH” ang video nito noong Disyembre 10: “MATINDI TO! PRES MARCOS NAGULAT SA NATUKLASAN MATAPOS LENLEN UMAMIN NA WALANG NAGANAP NA DAYAAN!”
“Umamin na po si Leni Robredo na wala pong naganap na dayaan noong naganap na eleksyon,” ayon sa narrator ng video.
May katulad na video ring in-upload ang channel na “News Trends” noong Disyembre 11: “LENI ROBREDO NAPAHIYA! KINOMPERMA NA WALANG DAYAAN SA 2022 ELEKSYON!”
Makikita rin sa Facebook ang link ng mga video na ito matapos silang ibahagi ng ilang netizens.
MARKA: Hindi totoo
ANG TOTOO:
Ginamit ng vloggers bilang batayan ang panayam ng author na si Ninotchka Rosca kay Robredo upang ipilit ang kanilang pahayag. Makikita ang nasabing panayam sa pahina ng AF3IRM International.
Ngunit hindi sinabi ni Robredo na walang dayaang nangyari noong eleksyon. Ayon sa kanya, walang nakalap na ebidensya ang kanyang kampo na nagkaroon ng dayaan sa halalan noong Mayo 9.
“Hindi ko po sinasabing walang dayaan na nangyari. Ang sinasabi ko lang, walang nakita. Walang nakita iyong ating teams,” ani Robredo sa 41:31 na marka ng panayam.
Sinabi ni Robredo na bumuo kaagad ang kanyang kampo ng grupo ng mga abogado at computer experts upang siyasatin ang mga alegasyon ng pandaraya noong eleksyon. Dinaluhan din nila ang third-party audits ngunit wala silang nakitang patunay na nagkaroon ng dayaan.
Aniya, hindi gusto ng kanyang kampo na basta na lamang mag-file ng kaso na maaaring “paasahin” lamang ang kanyang mga tagasuporta. Ayaw rin daw niyang gawin ang ginawa sa kanya noong 2016.
MULA SA RAPPLER: Robredo: We did not see evidence of cheating in 2022 elections
Matatandaang nagsampa ng electoral protest si Marcos sa Presidential Electoral Tribunal matapos siyang matalo sa pagka-bise presidente laban kay Robredo. Tinatayang nasa 263,000 ang lamang ni Robredo kay Marcos ngunit tumaas pa ito matapos ang recount sa pilot provinces na pinili ni Marcos.
RELATED: ‘ACCEPT DEFEAT’ | Robredo asks PET to dismiss Marcos’ latest appeal for lack of merit
Bagaman wala siyang isinampang kaso, naniniwala si Robredo na ginawa niya pa rin ang “next best thing” matapos ang halalan—ang pagtatayo ng non-government organization na Angat Buhay. Pormal itong kilala bilang Angat Pinas Inc. na naglalayong tumulong sa mga sektor na nangangailangan.
BAKIT ITO MAHALAGA:
Nasa 2,800 views at 86 likes na ang nakuha ng video ng “NEWS PH” habang nasa 272 views at 36 likes naman ang nakuha ng “News Trends” mula nang i-post ang mga ito. May halos 36,000 subscribers ang “NEWS PH” samantalang nasa higit 68,000 ang subscribers ng “News Trends.”
Karamihan sa mga video na ibinabahagi ng mga channel na ito ay tungkol sa pulitika. Mapapansin din sa ilang mga video ang kanilang pagsuporta sa administrasyon ni Marcos.
Bahagi ang News 5 at Rappler ng #FactsFirstPH na nakatuon sa pagtaguyod ng katotohanan at paghingi ng pananagutan sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon. Para sa mga interesadong sumali, mag-email sa info@factsfirst.ph. Maaari ring magpadala ng mensahe sa News5 kung may nais kayong ipa-fact check. Basahin ang aming polisiya hinggil sa fact-checking.
Our Privacy Commitment
TV5 Network Inc. values and respects your privacy. We are committed to safeguarding your personal data in compliance with Republic Act No. 10173 or the Data Privacy Act of 2012 and its implementing rules and regulations.
We have developed a Privacy Policy that adopts and observes appropriate standards for personal data protection. While our Privacy Policy sets out the general principles governing the collection, use, and disclosure of our users’ personal information, our Privacy Commitment seeks to inform you more about TV5’s privacy practices.
Why do we collect your personal information (as applicable)?
We may collect and maintain basic information about you as site user of TV5 sites for the following purposes:
Where do we get your personal information?
There are several ways we collect your personal information.
Information that you personally provided.
Most of the personal information we have are those that you have provided us when you:
Information we collect during your engagement with us
We also collect information as you use our products and services, like:
Information we collect from other sources
Other means of collection of information may be through:
When do we disclose personal information?
There may be instances when we are required to share the information you provided us. In such cases, we ensure that your personal information will be disclosed on a confidential manner, through secure channels and in compliance with the Data Privacy Act and other privacy laws.
We will never share, rent, or sell your personal information to third parties outside of TV5 except in special cases where you have given consent, and in cases described in our privacy policy.
In some instances, we may be required to disclose your personal information to our agents, subsidiaries, affiliates, business partners and other third-party agencies and service providers as part of our regular business operations and for the provision of our programs and services. This means we might share your information with our service providers, contractors, and professional advisers who help us provide our services.
How we protect your personal information
The integrity, confidentiality, and security of your information is important to us. We have implemented technical, organizational, and physical security measures that are designed to protect your information from unauthorized or fraudulent access, alteration, disclosure, misuse, and other unlawful activities.
We also put in effect the following safeguards:
TV5 will not collect, use, or disclose your personal information for any purpose other than the purpose that you may have given your consent for.
What are your choices?
We make sure that we have your consent to continue to collect, use, and disclose your personal information for the purposes that we have identified. We want you to know that you may object or withdraw your consent and/or edit your consent preferences at any time.
If you wish to have access to the personal information in our custody or if you think that the personal information you provided is incomplete, or otherwise inaccurate, you may get in touch with our Data Protection Officer through the contact details provided below. In some instances, we may request for supporting documents or proof before we effect requested changes.
Data Protection Officer
TV5 Network Inc.
Reliance corner Sheridan Streets
Mandaluyong City
tv5dataprivacy@tv5.com.ph
What happens when there are changes in our Policy?
From time to time, we may update our privacy policy and practices to comply with changes in applicable laws and regulatory requirements, adapt to new technologies and protocols, and align with the best practices of the industry.
You will be provided notices if the changes are significant and, if we are required by law, we will obtain your updated consent.