Isinalin ang fact-check na ito mula sa ulat ng OneNews.PH
(Hunyo 15, 2022) – Sinabi ng isang kontrobersiyal na abogado na ang yumaong diktador na si Ferdinand Marcos Sr. ang nanalo sa 1986 snap elections.
Hindi totoo ang pahayag na ito.
ANG PAHAYAG:
Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio sa kanyang programa sa radyo na idineklara ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) na panalo si Marcos sa snap elections noong Pebrero 7, 1986.
Binanggit niya ito sa kanyang programang “Yes…Yes…Yo! Topacio” na umere sa dwIZ noong Pebrero 24. Minaliit niya ang mga tagumpay ng 1986 People Power Revolution na inilarawan niya bilang pang-aagaw sa kapangyarihan na ginawa umano ni yumaong dating Pangulong Corazon Aquino.
Umere ang programa isang araw bago ang komemorasyon ng 1986 People Power Revolution. Dagdag pa niya, hindi rin dapat idineklarang holiday ang okasyong ito. Naniniwala siyang si Marcos ang nanalo sa 1986 snap elections na nakabatay umano sa resultang inilabas ng Namfrel.
“Ang daming na-brainwash nitong ‘yellow’ narrative. Sentimental noon ang mga Pilipino plus nagamitan ng propaganda,” ani Topacio.
Itinanggi rin niya ang serye ng mga protestang pinangunahan ng mga sibilyan matapos ang 1986 snap elections kung saan naging talamak ang insidente ng karahasan at pandaraya.
“Bagama’t nag-snap election at ang nanalo sa snap election ay walang iba kundi si Pangulong Ferdinand Marcos, ayaw nila tanggapin ‘yun. May pandaraya raw, may nag-walk out pa. Ang Namfrel mismo ang nagta-tally na nanalo si Marcos,” aniya.
“Sabi nila, talo raw si Marcos, ngunit nandaya. Kaya kumuha sila ng isang milyong tao, dinala nila sa EDSA. Kung nasunod lang sana si (dating military chief Fabian) Ver, pinagbabagsakan sila ng bomba eh. Pero ayaw ni Marcos, umalis na lang siya, kaya nag-takeover si Cory,” dagdag niya.
MARKA: Hindi totoo
ANG TOTOO:
Taliwas sa katotohanan ang mga sinabi ni Topacio ukol sa 1986 snap elections. Walang basehan ang sinabi niyang nanalo si Marcos at nag-agaw lamang ng kapangyarihan si Aquino kaya siya naupo sa puwesto. Milyon din ang nagtipun-tipon sa EDSA para patalsikin ang diktador sa apat na araw na pagkilos mula Pebrero 22 hanggang 25 noong 1986.
Lumipad papuntang Hawaii si Marcos kasama ang kanyang pamilya matapos nilang lisanin ang Malacañang. Nakakuha ang mga Pilipino ng ebidensya na dinaya ng mga tagasuporta ni Marcos ang opisyal na resulta ng 1986 snap elections. Namfrel ang nagsilbing citizens’ arm ng Commission on Elections (Comelec) na siyang inatasang protektahan ang mga balota.
Hindi bababa sa 500,000 na volunteers ang sinanay upang bilangin ang mga boto sa pamamagitan ng “Operation Quick Count,” ayon sa isang journal article na isinulat ni Prof. Ralph Goldman mula sa National Democratic Institute for International Affairs (NDIIA) at Namfrel external affairs executive director Henrietta Pascual noong 1988.
Tinagurian ang Namfrel bilang “Bantay ng Bayan” noong bilangan ng boto. Nagpadala naman ng delegasyon ang NDIIA at ang National Republican Institute for International Affairs upang obserbahan ang pagsasagawa ng 1986 snap elections.
Sa kanilang ulat, sinabi ng delegasyon na imposibleng hindi magkaroon ng kahit isang boto si Aquino habang ang lahat ng boto para sa ilang mga presinto ay napunta kay Marcos. Makikita ang kanilang ulat sa website ng USAID.
May nakita ring mga pagkakaiba sa pagitan ng bilang ng Namfrel at Commission on Elections (Comelec) dahil sa mga naibalitang isyu ng tampering, voter disenfranchisement, at ghost precincts. Dahil sa talamak na dayaan, sinabi ng delegasyon na ang bilang ng Namfrel—kung saan 70% ng mga presinto ang nabilang—ang maituturing na “most reliable indicator of the popular will of the Filipino people.”
Dumagdag din sa pagdududa noon ang pag-walk out ng 35 computer operators at empleyado ng Comelec mula sa national tabulation center noong February 9, 1986 matapos nilang iprotesta ang pagkakaiba ng processed data sa mga numerong ipinapakita sa public tally board.
“On the night of the 9th, we noticed the discrepancy again. We started writing down what was written on the board and making extra copies for ourselves. Since we couldn’t group together, we used our dinner breaks to talk about what was happening,” ani Mina Fajardo Bergara, isa sa mga IT specialists na sumama sa walkout, sa kanyang panayam sa Esquire magazine noong Setyembre 23, 2016.
“On the next run, when the discrepancies continued on, we went to a room and narrated the whole incident to our bosses, Shiony Binamira and Linda Kapunan. They asked someone higher than them about what was happening—but no one could explain the discrepancies. At that point, we decided that we didn’t want to be part of this, whatever was happening, we didn’t want all our efforts to create honest, right programs to go into waste. So, the decision was to go home,” dagdag niya.
Sa gitna ng talamak na dayaan, naglabas ang Namfrel ng pahayag sa mga malalaking pahayagan—The Manila Times, Philippine Daily Inquirer, at Malaya—na idineklara si Aquino bilang panalo ng 1986 snap elections. Inilabas ito sa mga pahayagan noong Pebrero 25 at 26 kung saan napatalsik na ng mga tao si Marcos sa Malacañang.
Inilabas din ng historian na si Kristoffer Pasion sa kanyang Twitter account ang nasabing statement ng Namfrel na idineklara si Aquino bilang panalo matapos niyang makakuha ng higit pitong milyong boto.
“Namfrel believes that the results of the national canvassing by the Batasang Pambansa of the February 7, 1986 presidential election does not reflect the real vote of the Filipino people,” ani dating Namfrel national chairperson Jose Concepcion Jr. at secretary general Christian Monsod sa kanilang pahayag.
BAKIT ITO MAHALAGA:
Kilala si Topacio sa pagpapakalat ng mga tirada laban sa mga Aquino. Kilala rin siya bilang tagasuporta ng mga Marcos. Sa kanyang programa, sinabi niyang pinangalanan siyang “Ferdinand” dahil ipinanganak siya matapos ang 1965 presidential elections kung saan ipinroklama si Marcos bilang pangulo.
Inere ang programa ni Topacio sa radyo at sa Facebook page ng dwIZ na mayroong 281,000 na tagasunod. Nasa 2,500 views ang nakapanood ng Facebook Live kung saan binanggit ni Topacio ang mali niyang pahayag. Nasa Twitter account din ng dwIZ ang kanyang pahayag.
Isinalin ang fact-check na ito mula sa ulat ng OneNews.PH na unang nakasulat sa Ingles.
Bahagi ang News 5 at OneNews.PH ng #FactsFirstPH na nagbubuklod sa iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtaguyod ng katotohanan at paghingi ng pananagutan sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon. Para sa mga interesadong sumali, mag-email sa info@factsfirst.ph. Maaari ring magpadala ng mensahe sa News 5 kung may nais kayong ipa-fact check. Basahin ang aming polisiya hinggil sa fact-checking.
Our Privacy Commitment
TV5 Network Inc. values and respects your privacy. We are committed to safeguarding your personal data in compliance with Republic Act No. 10173 or the Data Privacy Act of 2012 and its implementing rules and regulations.
We have developed a Privacy Policy that adopts and observes appropriate standards for personal data protection. While our Privacy Policy sets out the general principles governing the collection, use, and disclosure of our users’ personal information, our Privacy Commitment seeks to inform you more about TV5’s privacy practices.
Why do we collect your personal information (as applicable)?
We may collect and maintain basic information about you as site user of TV5 sites for the following purposes:
Where do we get your personal information?
There are several ways we collect your personal information.
Information that you personally provided.
Most of the personal information we have are those that you have provided us when you:
Information we collect during your engagement with us
We also collect information as you use our products and services, like:
Information we collect from other sources
Other means of collection of information may be through:
When do we disclose personal information?
There may be instances when we are required to share the information you provided us. In such cases, we ensure that your personal information will be disclosed on a confidential manner, through secure channels and in compliance with the Data Privacy Act and other privacy laws.
We will never share, rent, or sell your personal information to third parties outside of TV5 except in special cases where you have given consent, and in cases described in our privacy policy.
In some instances, we may be required to disclose your personal information to our agents, subsidiaries, affiliates, business partners and other third-party agencies and service providers as part of our regular business operations and for the provision of our programs and services. This means we might share your information with our service providers, contractors, and professional advisers who help us provide our services.
How we protect your personal information
The integrity, confidentiality, and security of your information is important to us. We have implemented technical, organizational, and physical security measures that are designed to protect your information from unauthorized or fraudulent access, alteration, disclosure, misuse, and other unlawful activities.
We also put in effect the following safeguards:
TV5 will not collect, use, or disclose your personal information for any purpose other than the purpose that you may have given your consent for.
What are your choices?
We make sure that we have your consent to continue to collect, use, and disclose your personal information for the purposes that we have identified. We want you to know that you may object or withdraw your consent and/or edit your consent preferences at any time.
If you wish to have access to the personal information in our custody or if you think that the personal information you provided is incomplete, or otherwise inaccurate, you may get in touch with our Data Protection Officer through the contact details provided below. In some instances, we may request for supporting documents or proof before we effect requested changes.
Data Protection Officer
TV5 Network Inc.
Reliance corner Sheridan Streets
Mandaluyong City
tv5dataprivacy@tv5.com.ph
What happens when there are changes in our Policy?
From time to time, we may update our privacy policy and practices to comply with changes in applicable laws and regulatory requirements, adapt to new technologies and protocols, and align with the best practices of the industry.
You will be provided notices if the changes are significant and, if we are required by law, we will obtain your updated consent.