(SPECIAL REPORT) – Ilang beses nang inihain sa Kongreso ang SOGIE Equality Bill ngunit walang nangyari dito sa haba ng panahong walang pag-usad. Sa papasok na 19th Congress, susubukan muli ni Sen. Risa Hontiveros na buhayin ang panukala. Paano nga ba niya masisiguro na uusad na ito, lalo’t manipis ang kanyang mga kaalyado sa Senado?
By Emmylou Olaybar
Si Sen. Risa Hontiveros ang nagsilbing silver lining para sa oposisyon noong nakaraang halalan matapos siyang magtagumpay sa kanyang reelection bid. Siya lang ang tanging pambato ng oposisyon na nagwagi matapos makakuha ng 15.4 milyong boto.
Sa kanyang pagbabalik sa Senado, handa na raw si Hontiveros na gamitin ang 19th Congress para maging daan upang maipasa ang SOGIE (sexual orientation, gender identity, and gender expression) Equality Bill.
“We will use this as a fresh opportunity to renew and prioritize our fight for all sexualities and genders. Oo, kasama tayong mga heterosexual cisgender sa laban ng mga LGBTQIA+ kapatid natin,” pahayag ni Hontiveros para sa selebrasyon ng Pride Month.
Ayon kay Hontiveros, na chairperson ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality, matitiyak ng SOGIE Equality Bill ang kaligtasan sa mga paaralan, accessible healthcare, at sapat na kabuhayan para sa bawat Pilipino.
Layon din ng panukala na tuldukan ang diskriminasyon at inequality na nararanasan ng mga miyembro ng LGBTQ+ community.
Matagal nang nakabinbin
Ayon kay Atty. Ma. Jiandra Bianca Deslate ng Divina Law, ang unang bersyon ng SOGIE Equality Bill ay inihain pa noong 11th Congress ni yumaong senador Miriam Defensor-Santiago at noo’y Akbayan Rep. Etta Rosales. Ibig sabihin, halos dalawang dekada na itong nakabinbin.
Maliban kay Hontiveros, naghain na rin ng kani-kanilang bersyon ng panukala sina Sen. Imee Marcos at dating senador Kiko Pangilinan.
Nakapasa ang panukala sa ikatlong pagbasa sa Kamara noong 2017 ngunit hindi tuluyang nakalusot matapos mabinbin sa Senado. Nitong nakalipas na 18th Congress, muling nagpasa ng bersyon si Hontiveros pero tinatawag na itong Sexual Orientation, Gender Identity, Gender Expression and Sex Characteristics (SOGIESC) Equality Bill.
Matatandaang noong Agosto 2018, hindi pinapasok ng isang janitress ang transgender woman na si Gretchen Custodio Diez sa banyo ng mga babae sa isang mall sa Quezon City. Pinosasan at inaresto si Diez dahil sa reklamong unjust vexation na isinampa ng management ng mall laban sa kanya pero kalauna’y pinalaya rin. Humingi naman ng paumanhin ang janitress at inurong na ang pagsasampa ng kaso.
Nagbunga ang insidente ng sari-saring debate tungkol sa gender equality. Kinondena ni Hontiveros ang nangyari at nagpadala ng abogado para tulungan si Diez. Giit niya, hindi katanggap-tanggap ang insidente at dapat nang mahinto ang diskriminasyon laban sa LGBTQ+ community. Ito rin ang nagtulak kay Hontiveros na ipanawagan ang pagpasa sa SOGIE Equality Bill.
‘Tuloy ang laban’
Sa panayam ng News5, sinabi ni Hontiveros na tiwala siyang mas malaki na ang tsansang maipasa ang panukala sa darating na Kongreso. Kahit siya ang natatanging taga-oposisyon na nakapasok sa Senado, makakahanap aniya siya ng mga susuporta rito, lalo’t ilang beses na itong na-refile.
“Malaki na ang chance. Makakahanap ako ng mga kaalyado sa minority at majority, sa mga dati nang at bagong mga Senador. More than political differences, ito’y usapang buhay at pangunahing karapatan,” ani Hontiveros.
Dagdag niya, nagpahayag na ng suporta sa panukala si incoming Senate President Migz Zubiri. Sa isang talumpati, hinayag na ni Hontiveros na pursigido siyang maisabatas ang SOGIE Equality Bill.
Noong 2019, sinabi ni dating Senate president Tito Sotto III na hindi maaaprubahan sa Senado ang SOGIE Equality Bill kung makalalabag ito sa academic freedom, religious freedom, at karapatan ng mga kababaihan. Maaari rin daw magamit ang panukala sa pang-aabuso, lalo na sa paggamit ng mga transgender ng palikuran ng kanilang identified gender.
“Kaya kung ikaw mayroon kang sandata, hindi ka dapat doon nagsi-CR. You go to the men’s room,” ani Sotto.
Ngunit higit sa paggamit ng mga palikuran, binigyang-diin ng mga advocate at mga kaalyado ng LGBTQ+ community na gusto lang nilang kilalanin ang kanilang mga karapatan.
Same-sex marriage
Pero kahit isinusulong ang panukala, kinumpirma ni Hontiveros na hindi kasama ang same-sex marriage sa mga probisyong nakapaloob sa SOGIE Equality Bill. Ito ay dahil na rin sa kagustuhan ng mga advocate ng LGBTQ+ na maisabatas muna ang immediate at necessary protections para sa sektor.
Sa ngayon, tiwala si Hontiveros na sapat na ang SOGIE Equality Bill na inihain niya sa Kongreso.
“Praktikal lang naman ang SOGIE Equality Bill. In line ito sa diwa ng Konstitusyon at sa diwa ng pagiging Pilipino natin,” ani Hontiveros.
Kumpara sa ibang bansa, hindi pa kasing progresibo ang Pilipinas sa pagtanggap sa mga LGBTQ+. Ilang beses nang naharang ang SOGIE Equality Bill at aminado si Hontiveros na dahil ito sa kawalan pa rin ng pag-unawa ng ibang Pilipino. Pero “very energized” siya dahil sa suporta ng komunidad, aniya.
“Ayon sa surveys at pag-aaral ay pabor naman ang karamihan ng ating mga kababayang Pilipino na magkaroon ng SOGIE Equality Bill. Kami sa Kongreso ang kailangang humabol doon,” sabi ni Hontiveros. “We will take this to the finish line no matter how long we have to fight with you. This victory will be sweetest because we will win it together.”
(PM, KM)
Our Privacy Commitment
TV5 Network Inc. values and respects your privacy. We are committed to safeguarding your personal data in compliance with Republic Act No. 10173 or the Data Privacy Act of 2012 and its implementing rules and regulations.
We have developed a Privacy Policy that adopts and observes appropriate standards for personal data protection. While our Privacy Policy sets out the general principles governing the collection, use, and disclosure of our users’ personal information, our Privacy Commitment seeks to inform you more about TV5’s privacy practices.
Why do we collect your personal information (as applicable)?
We may collect and maintain basic information about you as site user of TV5 sites for the following purposes:
Where do we get your personal information?
There are several ways we collect your personal information.
Information that you personally provided.
Most of the personal information we have are those that you have provided us when you:
Information we collect during your engagement with us
We also collect information as you use our products and services, like:
Information we collect from other sources
Other means of collection of information may be through:
When do we disclose personal information?
There may be instances when we are required to share the information you provided us. In such cases, we ensure that your personal information will be disclosed on a confidential manner, through secure channels and in compliance with the Data Privacy Act and other privacy laws.
We will never share, rent, or sell your personal information to third parties outside of TV5 except in special cases where you have given consent, and in cases described in our privacy policy.
In some instances, we may be required to disclose your personal information to our agents, subsidiaries, affiliates, business partners and other third-party agencies and service providers as part of our regular business operations and for the provision of our programs and services. This means we might share your information with our service providers, contractors, and professional advisers who help us provide our services.
How we protect your personal information
The integrity, confidentiality, and security of your information is important to us. We have implemented technical, organizational, and physical security measures that are designed to protect your information from unauthorized or fraudulent access, alteration, disclosure, misuse, and other unlawful activities.
We also put in effect the following safeguards:
TV5 will not collect, use, or disclose your personal information for any purpose other than the purpose that you may have given your consent for.
What are your choices?
We make sure that we have your consent to continue to collect, use, and disclose your personal information for the purposes that we have identified. We want you to know that you may object or withdraw your consent and/or edit your consent preferences at any time.
If you wish to have access to the personal information in our custody or if you think that the personal information you provided is incomplete, or otherwise inaccurate, you may get in touch with our Data Protection Officer through the contact details provided below. In some instances, we may request for supporting documents or proof before we effect requested changes.
Data Protection Officer
TV5 Network Inc.
Reliance corner Sheridan Streets
Mandaluyong City
tv5dataprivacy@tv5.com.ph
What happens when there are changes in our Policy?
From time to time, we may update our privacy policy and practices to comply with changes in applicable laws and regulatory requirements, adapt to new technologies and protocols, and align with the best practices of the industry.
You will be provided notices if the changes are significant and, if we are required by law, we will obtain your updated consent.